May banta ang kampo ni Association of Boxing Alliances in the Philippines president Ricky Vargas na dumulog sa korte at posibleng humingi ng temporary restraining order sa Philippine Olympic Committee polls sa Nov. 25.

Pinarating ito ni Vargas at abogado niyang si Jake Corporal kina POC election committee chairman Frank Elizalde at members Conrado Estrella III at Bernie Oca sa pulong sa UCC Capital­ Commons sa Pasig ­kahapon.

Muling umapela si Vargas na patakbuhin siya sa panguluhan laban kay incumbent POC prexy Peping Cojuangco. Diniskuwalipika siya ng POC Comelec nung Okt. 26 sa POC general assembly sa Wack Wack sa isyu ng “active membership”. May kinalaman ito sa hindi raw niya pagdalu-dalo sa bimonthly assembly.

“’Yung resort to court is only reasonable given the circumstance,” ani Atty. Corporal sa disqualification case. “You need a court to define our rights. And that should be expected.”

Kasama sa pinarating ni Vargas ang hindi pag-urong kahit umabot sa senaryo na masuspinde ang POC ng International Olympic Committee. Si Cojuangco ay naka-tatlong taon na, umabot na sa 12 taon sa posisyon.

“Whether there will be sanctions, then it’s not up to us to say na aatras kami para hindi ma-sanction. We are in the right. All we want is, like Mr. Vargas said, follow a democratic process. Give them the choice, give the electors the choice, and let them decide the fate of the POC,” panapos ni Corporal.

Inihayag ni Vargas na pararatingin niya muna kay Cojuangco ang ­niluluto at malamang na maglabas din sila ng ­desisyon sa loob ng ­24-oras.