Nakipagkasundo ang Philippine Olympic Committee sa pangunguna ng pangulo na si Ricky Vargas Lunes nang umaga sa isang Memorandum of Understanding sa Philippine Dispute Resolution Center Inc (PDRCI) na inirepresenta ng presidente nito na si Atty. Edmund Tan upang maasikaso ang nagkakagulong National Sports Associations (NSAs).
Ang MOU ang magbibigay daan para sa pagsasagawa ng mga alituntunin ng bagong Alternative Dispute Resolution (ADR) framework para tuluyang maresolbahan ang mga kaguluhan at hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga miyembro nitong NSAs at maging sa Olympic Committee.
“We are following the model of the International Olympic Committee and the Court of Arbitration in Sports. As soon as this is approved by the POC Board and the General Assembly, the PDRCI will conduct seminars for NSAs to better understand the workings of mediation and arbitration”, sabi ni Vargas.
“We are very proud to be a significant part in this milestone in Philippine sports. We hope to assist the POC in streamlining their programs without the distraction of troublesome disputes,” wika naman ni Atty Tan.
Nagsilbing saksi sa kasunduan sina POC First Vice President Jose Romasanta, General Counsel Atty. Alberto Agra, Membership Committee Chairman Robert Bachmann, Arbitration Committee Member Atty. Charlie Ho at Communications Director Ed Picson.