Pumukol ng 10 points above ang pitong bataan ni Valenzuela coach Gerald Esplana sa pagtrangko ng 22 ni Jayson Varilla para eskapuhan ang Nueva Ecija, 119-116, sa 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League 2019 Lakan Cup eliminations Biyernes ng gabi sa San Andres Sports Center sa Malate, Manila.

Saklolo si team skipper Paolo Hubalde ng 18 points at 10 assists, naka-18 markers din si Orin Catacutan, may 14 si Jaymar Gimpayan, 12 si Reneford Ruaya at may 10 each sina Mel Mabigat at Jaycee John Asuncion.

Dominado ng SPV TOP Marketplace ang ballgame, nakalayo hanggang 15 puntos tapos malamangan lang ng MiGuard ng dalawa tungo sa third straight win tapos ng 83-89 loss sa Parañaque nitong Hunyo 19, at pinasad­sad sa ikatlong dikit ang biktima para sa 1-3 win-loss record.

Si ex-pro JR Cawaling­ ang namunong pumuntos sa NE sa 20.