VAT

usapang ofw-box chingbee

May proposed law na itaas ang value added tax (VAT) ng money transfer sa 12 percent na kapag naipasa ay siguradong may epekto sa remittances­ ng overseas Filipino workers (OFWs).­

For sure ay ipapasa­ lang sa consumers ng money remittance centers ang anumang pagtaas ng VAT nila mula sa kasalukuyang 10 percent tungo sa 12 percent.

So, we can expect na maraming OFWs ang ­tututol sa legislative measure na iyan dahil magiging kabawasan ang karagdagang 2 percent VAT sa perang matatanggap ng kanilang mga mahal sa buhay.

US$26.9 billion

Batay sa datos ng Bangko Sentral ng ­Pilipinas, ang total cash ­remittances ng OFWs noong 2016 ay umabot ng US$26.9 billion, na mas mataas sa US$25.61 billion total remittances noong 2015.

Kung isasama ang cash value ng padala­ ng OFWs in-kind (mga gamit) ay aabot sa US$29.71 billion ang total cash/in-kind ­value ng OFW remittances, mas mataas sa US$28.31 ­billion noong 2015.

Ang bulk ng remittances ng OFWs ay galing­ sa US, Saudi Arabia,­ ­United Arab Emirates,­ Singapore,­ United Kingdom,­ Japan, Qatar, ­Kuwait, Hong Kong at Germany.

UNICEF

Ayon sa isang pag-aaral ng Council for the Welfare of Children (CWC) nasa high risk group ang mga anak ng OFWs na maging biktima ng physical, sexual­ at psychological ­violence.

Bukod sa CWC ay ­binalikat din ng United Nations Children’s Fund ang pag-aaral kung kaya we can assume na maayos­ ang methodology na gina­mit at valid ang conclusion at findings.

Actually, maraming anecdotal evidence na marami ngang mga anak ng OFWs ang naaabuso ng mga mismong taong pinagtiwalaan na kumalinga sa kanila kapalit ng kanilang mga magulang.

Memorandum

Kung hindi man mismong guardians ang umaabuso sa mga anak ng OFWs, madalas ay kasama rin sa bahay o kapa­milya at natatakot lang ang mga bata na magsumbong.

Sa harap nito, pumirma sa isang memorandum of understanding ang justice, social welfare at ­labor agencies OWWA at POEA upang mabigyan ng proteksyon laban sa pang-aabuso ang mga anak ng OFWs.

Magsasagawa raw ng masusing pag-aaral ang mga nasabing government agencies upang makapaglagay ng safeguards laban sa mga naturang pang-aabuso.

Text or call and follow

As to what safeguards ang nasa isip ng ­concerned government officials ay bubusisiin ­natin dito sa Usapan as they come.

Come follow me on Twitter @beeslist or call 551-5163 or email usapang_ofw@yahoo.com for your comments and questions.

Have a nice weekend folks.