SH-BOOM! SH-BOOM! Body Beautiful pa rin sina Sheree at Rachel Lobangco sa recent photo shoot nila sa poolside ng Acropolis.
Ang gaganda ng shots ng photographer na si Claudine Cervantes Callanta.
Oozing with oomph and sex appeal ang dalawang dilag!
Napaka-earthy ng kanilang alindog na tila nangangako ng siyam na sunud-sunod na orgasm!
Boombastik!
Noon pa man ay ang gaganda ng mga litratong pino-post ni Kokak sa Facebook account niya.
Kaya naman tuwang-tuwa ang kanyang froglets!
More & more ang mga pasiklab ni Kokak!
***
Ikatlong episode na ng Daig Kayo ng Lola Ko ngayong Linggo sa GMA 7.

Tinukso si Moira (Chlaui Malayao) ng tatlong bata sa tindahan.
Nang malaman ito ni Elvis (David Remo), agad siyang bumalik sa tindahan para iganti si Moira.
Muntik nang magkagulo at mag-away-away ang mga bata.
Buti na lang at dumating si Lola Goreng (Gloria Romero) para pigilan sila.
Ipapaalala ni Lola na hindi maganda ang pag-aaway-away.
Magkukuwento si Lola Goreng tungkol kina Matsing at Pagong (boses nina Eugene Domingo & Boobay), dalawang magkaibigan na laging nag-aasaran at laging gumaganti sa isa’t isa.
Matapos ang kuwentong ito, may bagong madidiskubre si Moira! Makikita niya ang alaga ni Elvis na si Kawaiiku.
Itatago nila kay Lola ang tungkol sa nilalang na ito.
Dahil sa pagtatago nila, napipilitan silang magsinungaling!