Dalawang panalo ang nailusot ni Patricia Velez para dominahin ang girls category, pinagharian nina Jose Maria Pague at Nio Tria ang kani-kanilang grupo sa boys ng Olivarez Cup 2016 tennis tournament presented by Palawan Pawnshop-Palawan Express Pera Padala sa Olivarez Sports Center sa Sucat.
Naligtasan ni Velez si Miles Vitaliano 4-6, 6-3, 6-1 sa final para ibulsa ang 16-under crown, bago idinagdag ang 18-U championship sa bisa ng 6-3, 6-2 dominasyon kay Bettina Bautista.
Naigapang ni Pague ang 5-7, 6-2, 7-5 panalo kay Godfrey Seno sa semis, at hindi na kinailangang ihataw ang raketa sa final dahil umatras bunga ng injury ang makakapaluan sanang si Janus Ringia para sa 18-U crown.
Sina Pague at Velez ang tinanghal na MVPs sa kani-kanilang kategorya.
Nilaktawan ni Nia si Elvin Geluz 7-6 (2), 6-2 para sikwatin ang 14-under crown.