Standings W L
Petron 8 0
F2 Logistics 6 2
Foton 5 2
Generika-Ayala 4 3
Cignal 4 3
Smart 2 5
Cocolife 1 7
Sta. Lucia 0 8
Mga laro ngayon:
(Bacoor Strike Gym)
2:00 p.m. – Smart vs Sta. Lucia
4:15 p.m. – Generika-Ayala vs Cignal
7:00 p.m. – Petron vs Foton
Pakay ng Foton na dungisan ang malinis na karta ng defending champion Petron pagharap nila sa Philippine Superliga All-Filipino Conference sa Bacoor Strike Gym sa Bacoor City.
Tangan ang kartang 8-0, makakalaban ng Blaze Spikers ang Tornadoes sa alas-7 ng gabi.
Malaki ang tsansa na mawalis ng Petron ang lahat ng madadaanan tulad ng ginawa nila dati may tatlong taon na ang nakalipas, ang players nila noon ay sina Rachel Anne Daquis, Aby Marano at Dindin Manabat na inakbayan ang kanilang koponan sa 13 consecutive wins para sikwatin ang unang All-Filipino crown.
Pero magiging mahirap para sa Petron na maulit ang nakaraang tagumpay.
Tigasin pa rin sa nasabing liga ang Foton kahit hindi naglalaro sa kanila ang magkapatid na Jaja Santiago at Manabat na pumapalo ngayon sa ibang bansa at sina spikers Arianne Layug at Shaya Adorador na may injuries.
Ayon kay Foton head coach Aaron Velez na magiging kalmado sila pagharap sa Petron upang makuha ang inaasam na panalo sa event na suportado ng Isuzu, Sogo, Senoh, Asics, Mikasa, Mueller, UCPB Gen at Bizooku kasama ang Genius Sports bilang technical provider.
“We know how strong Petron is. We will try to our best to beat them, but we will go there and have some fun. No pressure and no expectations whatsoever,” saad ni Velez. “We know that we lost the Santiago sisters and now Arianne and Shaya. We’re depleted. So I told the team to just enjoy the game and play with no pressure.”
Magkakaldagan naman sa unang laro ang Smart at Sta. Lucia, (2pm.) habang magtitirisan ang Generika-Ayala ang Cignal sa alas-4:15 ng hapon.
Attachments area