WebClick Tracer

Vendor inilibing sa plastic bag – Abante Tonite

Vendor inilibing sa plastic bag

Tinadtad na ng bala ang katawan ay tinangka pa umanong sunugin ang bangkay ng isang lala­king ambulant vendor na nakasilid sa isang garbage plastic bag at itinapon sa madamong bahagi ng isang barangay sa Iloilo City kamakalawa.

Ayon sa report, nakilala ang biktima na si Jalil Abu Bakar, tubong Marawi City at pansa­mantalang naninirahan sa La Paz District sa nasabing lalawigan at dalawang buwan pa lamang nagtitinda sa nasabing lugar.

Nadiskubre ang bangkay ng biktima na nakalagay sa isang garbage plastic bag ng ilang residente sa Barangay Balabago, Jaro District na tinangka rin umanong sunugin ng hindi nakilalang mga salarin subalit dahil may nakakita sa bangkay ay naapula ang apoy.

Base sa pahayag ni Insp. Arnel Bigcas, deputy police ng Jaro Police Station nakarekober din ang mga imbestigador ng dalawang motorsiklo sa lugar na isang Honda 110 na naka-register sa pangalang Aniza Agama, at isang Yamaha Mio na naka-register naman sa isang Wahid Agama, kapwa residente ng La Paz District, Iloilo City. (Nonnie Ferriol)