Pinaulanan ng bala ang isang vendor ng kilabot na riding-in-tandem, kamakalawa ng gabi sa Ermita, Maynila.

Tatlong bala ang tumapos sa buhay ni Tammy Ariong Dimaocor, 31, vendor, at residente ng 1742 F.B. Harrison, Pasay City, matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Roderick Magpale ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, alas-8:30 ng gabi nang maganap ang insidente habang kinukuwenta ng biktima ang kanyang kita sa tindahan nang biglang sumulpot ang suspek at ilang ulit na paputukan ang biktima.

Tinamaan ng bala sa ulo at katawan si Dimaocor na namatay noon din.

Habang agad namang tumakas ang mga hindi nakilalang suspek sakay ng motorsiklo.

Matapos i-awtopsiya ay dinala na ang mga labi ng biktima sa kanyang mga kamag-anak sa Golden Mosque, alinsunod sa kanilang tradis­yon.