Ang naglipanang illegal vendors sa mga footbridges ang nananatiling sakit sa ulo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Pag-amin ito ni MMDA Traffic Engineering Center head Neomie Recio kasabay ng pagsasabing sa kabila ng kanilang walang humpay na paglilinis sa mga tulay mula sa mga nagkalat na illegal vendors ay bumabalik pa rin ang mga ito.
Aminado si Recio, na tunay na hindi nila nababantayan ng 24/7 ang mga footbridges dahilan upang bumabalik ang mga vendors kapag walang nakikitang mga tauhan nila.
Umapela si Recio sa local government units (LGUs) na tulungan sila dahil mas matututukan ng mga ito ang kanilang lugar na nasasakupan.
SA CUBAO,ANG DAMING VENDORS,BAKIT KASI HERBERT BAUTISTA WALANG GINAGAWA KUNGDI PURO SELFIE LANG,,,PURO PA PICTURE PICTURE LANG
Wla ksing pinipiling lugar ang mga vendor…ang footbridge ay ginawa para daanan ng tao nde pra maging ‘market’…tama nga na marangal silang naghahanap buhay…pero dpat sna iAyos nila ang knilang LUGAR s pagtitinda…s tpat lang ng SM North at s Pasay Taft…puno ang footbridge ng mga Pnindang damit, Pirated DVD, sunglasses, gadget accessories at minsan p may mga gulay…kpag nasagi mo ang paninda nila, sila pa ang galit….kya npipilitan n magCross ang tao s EDSA ksi puno ng paninda ang footbridge…
HINDI DAW NABABANTAYAN, D2 NGA SA ORTIGAS MAY MGA MMDA PA NAKATAMBAY SA TABI NG MGA VENDOR WLA NMAN GINAGAWA KC MAY TONGPATS SILA