Venice, manang-mana kay Yilmaz

Venice, Ruffa at Lorin

Main stars na talaga ng It Takes Gutz to be a Gutierrez sina Lorin at Venice.

Dahil dalagita na si Lorin sa Miyerkules at magtu-12 years old naman si Venice sa Setyembre 11, marami na silang participations sa reality TV series ng Gutierrez family na napapanood sa E! tuwing Lunes, 8:30 PM.

At katulad ng nanay nila, mukhang papasukin din nina Lorin at Venice ang showbiz.

Noong press conference ng It Takes Gutz to be a Gutierrez, mukhang excited sa pagharap sa entertainment press ang mga anak ni Ruffa.

Ready sila na sumagot sa mga tanong ng entertainment press, huh!

***

Nasa bakasyon nga­yon sa Europe si Ruffa Gutierrez kasama ang mga anak na sina Lorin at Venice Bektas.

Kasama rin nila ang boyfriend ni Ruffa na si Jordan Mouyal na kung nanood kayo ng It Takes Gutz to be a Gutierrez sa E! noong Lunes ay nalaman ninyong hiniwala­yan pala ng TV host/actress some months back.

Anyway, sa kuwentuhan namin ng nanay ni Ruffa na si Annabelle Rama, napag-usapan namin ang desisyon ni Ruffa na huwag magsama ng yaya o kahit si Jaye Bautista na executive assistant nito.

“Ewan ko ba kay Ruffa, nagtitipid na naman. Ni hindi isinama si Jaye o kaya ‘yung kahit na isang yaya,” sey ni Bisaya.

“Ewan ko sa kanya kung kakayanin niya ang mga anak niya.

“Paano na lang kung mag-away ang mga ‘yon?! Ang tapang pa naman ni Venice. Turkish na Turkish.

“Manang-mana sa tatay niya (Yilmaz Bektas).
“Ang ending niyan, mahihirapan talaga si Ruffa,” kuwento ni Bisaya.

Hindi pinabayaan ni Bisaya ang kanyang mga apo na umalis na hindi man lang siya nag-aabot ng baon.

Dahil birthday na ni Lorin sa Miyerkules (Agosto 3), naglambing ito na dapat ay mas mala­ki ang pabaon niya rito.

“Saka panganay naman daw siya, kaya dapat mas malaki ang pabaon ko. Binigyan ko naman, pero siyempre, may paba­on din ako kay Venice.

“Mas mabuting may hawak silang sariling pera,” sey ni Bisaya.
Ewan kung ipinaalam ni Bisaya kay Ruffa na pinabaunan niya ang kanyang mga apo.

Ayaw na ayaw pa naman ng nanay nina Lorin at Venice na ine-spoil ang mga anak.

***

BASED na uli sa ‘Pinas si Patricia Javier kasama ang chiropractor niyang mister, si Dr. Rob Walcher, at ang kanilang mga anak.

Dito na sa atin nagpa-practice si Rob.
Marami siyang mga pasyente na taga-showbiz at isa sa mga ‘yon si Manay Lolit Solis.

Kuwento ni Manay Lolit, nalungkot siya nang sabihin sa kanya ng mister ni Patricia na gusto na nitong bumalik sila sa Ca­lifornia.

Hindi na inusisa ni Manay Lolit si Rob kung bakit ito nag-dialogue ng ganoon.

“Siguro kasi sa States, lahat ng pasyente na ginagawa niya, nagpe-pay sa kanya. Siyempre, dito sa atin, maraming libre.

Saka sa States kasi, may malaki silang bahay, baka naninibago siya,” tsika ni Manay Lolit.
Bilib si Manay Lolit sa galing ni Rob bilang chiropractor.

‘Yung mga dating sumasakit sa katawan niya, nawala nang magpa-treatment siya kay Rob.
After ng treatment niya, nagbabayad na siya sa mister ni Patricia.

Ayaw tanggapin ang ibinabayad niya, pero hindi siya pumayag.

“Sabi ko talaga kay Rob, kapag hindi niya tinanggap ang bayad ko, hindi na ako magpapa-treatment sa kanya sa susunod, kaya tinanggap din niya,” kuwento pa ni Manay Lolit.

Ayaw magpa-treatment ni Manay Lolit ng libre sa mister ni Patricia at baka mapadali ang desisyon nito na bumalik na lang sa California kasama ang pamilya.

Sa mga gustong magpa-treatment kay Rob, puwede ninyo siyang kontakin sa cell# 0977-389-5660, 0906-5119567.