MADALAS ikuwento ni Annabelle Rama na mas tsismosa sa kanya ang anak na si Ruffa Gutierrez.
Madalas siyang tawagan at kulitin-kulitin ni Ruffa kapag may mga nababalitaan.
Sabi ni Bisaya, nang mag-commit sila ni Richard Gutierrez sa ABS-CBN para sa La Luna Sangre, inilihim muna niya kay Ruffa ang mga detalye tungkol doon.
“Mahirap na. Secret pa, kaya pati kay Ruffa, hindi ako nagkukuwento noong una!” sey ni Bisaya.
Sa tsikahan namin ni Ruffa kahapon, kung talbog niya si Bisaya, natalbugan siya ng anak na si Venice Bektas.
“Mas daig kami ni Venice!” sey ni Ruffa.
Sa gym kasi na pinupuntahan nila, mas napapansin ng kanyang bunso ang mga celebrity na nandoon din.
Habang busy siya sa kae-exercise minsan, si Venice ay panay ang kuwento sa kanya na nandoon din ang anak ni Kris Aquino na si Bimby.

Si Venice pa ang nagturo sa kanya kung nasaan ang bunso ni Kris.
Nang nasa locker room sila at nagbibihis na si Ruffa, si Venice pa rin ang nagturo sa kanya kay Sarah Geronimo.
“Mommy, Mommy, look! It’s Tita Sarah Geronimo!” sey ni Venice kay Ruffa at nakita ng TV host/actress na nagtu-toothbrush sa bathroom area ang girlfriend ni Matteo Guidicelli.
“Si Venice, magaling ang mata. Napapansin niya ang lahat. Pati ‘yung mga celebrity, kilala niya.
“Minsan, napapanood ako ng TV dahil sa kanila ni Lorin. Pero paiba-iba sila ng favorites.
“Si Lorin, mas gusto ngayon ang Koreans, pero si Venice, may local celebrities siya na gusto.
“Kilala talaga ni Venice ang local celebrities, lalo na ‘yung favorite teen stars niya,” sey ni Ruffa.
Noong nasa Bali, Indonesia sila, habang sakay sila ng kotse at nasa gitna ng traffic, nakita ni Venice na naglalakad sa kalsada sina Paulo Avelino at Jake Cuenca.
“Mommy, Mommy, look, Tito Paulo and Tito Jake!” sey ni Venice kay Ruffa.
“Talagang lahat nakikita ni Venice!” bulalas ni Ruffa.
Favorite din ng kanyang mga anak ang KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla), kaya natuwa sina Lorin at Venice na ang unang regular TV series ng kanilang Tito Richard sa Kapamilya network ay ang La Luna Sangre.
Bukas sa grand welcome kay Richard sa ASAP, gustong sumama nina Lorin at Venice.
“Excited sila nang malamang may grand welcome sa ASAP si Chard. Gusto nilang sumama, kaya, Jun, palagay mo sila sa entourage ni Chard!” sey sa amin ni Ruffa.
Bakasyon na sina Lorin at Venice at sabi ni Ruffa, gustung-gusto ng kanyang bunso na mag-acting workshop sa Star Magic at mag-dance lesson na rin sa G-Force, kaya mag-i-inquire si Ruffa.
Sabi namin kay Ruffa, mas mabuting mag-dance lesson si Venice para pumayat-payat na rin ang kanyang bunso dahil mas mahilig itong kumain compared to Lorin.
Sa Setyembre 11, magiging teenager na rin kasi si Venice, kaya mas maganda kung magpapapayat na rin ito.
Si Lorin, walang problema dahil concious na ito sa kinakain since magpo-fourteen years old na ito sa Agosto 3.
***
Sa Hulyo 9 na pala ang Eddys sa KIA Theater, Araneta Center, Cubao, QC.
Ang Eddys ang awards night ng SPEED (Society of Philippine Entertainmeng Editors, Inc.).
Ipapalabas din sa gabing ‘yon sa Sunday’s Best ng ABS-CBN ang nasabing awards night.
Hosts ng first ever Eddys ang mag-amang Edu at Luis Manzano. Kasama sa celebrity presenters ng Eddys ang mag-sweetheart na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.
Puro pala kayo mga tsismosa. Ano bang bago ngayon sa Lovelife ni Ruffa?
News?