Nanlamig ang New York Yankees sa matikas na bato ni Justin Verlander, yumuko sa Houston Astros 5-1 nitong Lunes sa Yankee Stadium.
Sa second inning kumonekta si first baseman JD Davis ng three-run homer mula kay Yankees starter Domingo German at hindi na bumitaw ang Astros.
Naga-average ang Yankees ng halos six runs per game, pero hindi sila pinagbigyan ni Verlander.
Pumalag ang Yankees sa second, dalawang runners ang napausad sa bases habang may isang out. Pero hanggang center field lang umabot ang palo ni Didi Gregorius sa 96-mile-per-hour fastball na binitawan ni Verlander.