Sinamantala ng Rizal Lady Bombers ang minamalas na Mapua Cardinals upang madale ang 25-18, 25-18, 31-29 win sa Season NCAA Season 95 women’s indoor volleyball tournament first round eliminations Lunes ng hapon sa FilOil Flying V Centre.
Kumabig si JRU team captain Dolly Verzosa ng 17 points at 10 excellent digs para panatilihing masigla ang paghahabol ng Mandaluyong-based squad sa Final Four.
Umagapay sa kanya si middle blocker Sydney Niegos na mayroong 10 markers, 6 sa spikes, 3 blocks at 1 service ace upang sundan ang nakamit na panalo sa nakaraang linggo at pagandahin ang kartada sa 3-4.
“Siguro kasi mas focused sila and relatively mas mabilis silang maka-recover kaysa iyong past games,” pahayag ni Lady Bombers coach Mia Tioseco.
Hindi naman naging epektibo ang 10 markers ni Jonina Fernandez upang mawakasan ang sunod na mga talo ng MU na sumalampak na sa 1-5. (Aivan Episcope)