
Malakas ang kaway ng bisyo. Gustung-gusto nang magbagong-buhay ng mga biktima ng droga, pero kapag nand’yan na ang mga masasamang impluwensiya, ang mga pangako ay napapako na.
Ganu’n mismo ang naganap sa isang may edad nang female personality na umikot na lang ang buhay nu’n sa paggamit ng droga.
Batambata pa ang kanyang mga anak nu’n, nag-iiyakan na ang mga ito para magbago siya, pero wala pa ring pagbabagong nagaganap sa kanilang ina.Kuwento ng aming source, “Paano nga, palaging nasa bahay nila ang mga friends niyang hindi na nangangarap, puro patapon na ang buhay, ‘yun ang mga taong nang-impluwensiya sa kanya para malulong sa droga. “Alam n’yo ba kung ano ang ginawa ng magkapatid? Naghanap din sila ng droga, lantaran silang gumamit nu’n sa harap ng mommy nila!
Nalokah ang mommy nila dahil nasa high school pa lang ang anak niyang lalaki, nasa elementary naman ang babae niyang anak. “Nawindang siya dahil nagse-serve na rin ng droga ang mga anak niya! Talagang ipinakita sa kanya ‘yun ng mag-utol, kaya humagulgol siyang nangako na titigilan na niya ang pagda-drugs!” kinikilabutang kuwento ng aming source.Mula nu’n ay sarado na ang kanilang bahay para sa mga kaibigan ng veteran actress.
Kalampagin man ng mga ito ang kanilang gate ay wala nang nagbubukas sa kanila.Patuloy ng aming source, “Kundi pa ‘yun ginawa ng magkapatid, hanggang ngayon siguro, e, lulong pa rin siya sa droga. Nagbebenta na kasi siya ng mga kagamitan sa house nila! “Umuwi from school ang mga anak niya na wala na silang sofa, hinahakot na ng pinagbentahan dahil sa bisyo ng mommy nila! Pati ang sasakyan nila, naibenta na rin ng veteran actress! “Salamat sa magkapatid, nagising sa katotohanan ang mommy nila.
May mga pelikula na ang veteran actress at may mga serye pa siya, hinding-hindi na siya nagbibisyo!” positibong pagtatapos ng aming impormante.Panalo!***
Angel, Maricel papalitan ang serye ng JoshLia
Sa daloy ng kuwento ng dalawang serye ng ABS-CBN, ang Halik at Ngayon At Kailanman, ay parehong parang mamamaalam na sila sa ere.Nababaligtad na ang kanilang istorya, ang mga nagmamalabis sa seryeng pinagbibidahan nina Joshua Garcia at Julia Barretto ay nagdarahop na, wala nang pakpak para mamayagpag.Sa Halik naman ay todo na ang pagsisisi ni Jade (Yam Concepcion) sa ginawang paglalagay ng ekok sa bumbunan ng kanyang mister na si Lino (Jericho Rosales).
Bali na rin ang pakpak ng walanghiyang negosyanteng si Romnick Sarmenta, na-stroke pa, habang pawarde-warde naman ang buhay ni Ace (Sam Milby) na tumalikod sa ipinagdadalantao ni Jade.
Naghuhulaan ang manonood ngayon kung alin sa dalawang serye ang papalitan ng The General’s Daughter na pinagbibidahan ni Angel Locsin. Ang Ngayon At Kailanman ba o ang Halik?
Wala sa pahulaan ang serye ni Coco Martin na Ang Probinsiyano, hanggang sa kalahatian pa raw kasi ng 2019 ang matagumpay na action serye, kaya labas sa usapan ang seryeng nagpapataob sa lahat ng kanyang mga kalaban.
May sinabi si Yam Concepcion na isasakripisyo ng dalaga ang matagal na nitong planong pagbabakasyon sa Amerika.
Extended daw kasi ang kanilang serye. Hahaba pa ang takbo ng kuwento ng Halik.
Ang papalitan ng serye ni Angel kung saan may mapaghamong role din ang Diamond Star na si Maricel Soriano ay ang kina Joshua at Julia.
Isa ang Ngayon At Kailanman sa mga palabas ng Dos na saktung-sakto ang timpla. Tamang istorya, mga tamang artista, may lalim ang hugot ng kuwento.
Kaya naman pala nakaplantilya na ang susunod na pelikulang gagawin ng JoshLia.
Magpapaalam ang kanilang serye na baun-baon nila ang paghanga ng manonood dahil minsan pang pinatunayan ng loveteam na ito na puwede silang isalang sa kahit anong klase ng role.
Sa daloy ng kuwento ng dalawang serye ng ABS-CBN, ang Halik at Ngayon At Kailanman, ay parehong parang mamamaalam na sila sa ere.Nababaligtad na ang kanilang istorya, ang mga nagmamalabis sa seryeng pinagbibidahan nina Joshua Garcia at Julia Barretto ay nagdarahop na, wala nang pakpak para mamayagpag.
Sa Halik naman ay todo na ang pagsisisi ni Jade (Yam Concepcion) sa ginawang paglalagay ng ekok sa bumbunan ng kanyang mister na si Lino (Jericho Rosales).
Bali na rin ang pakpak ng walanghiyang negosyanteng si Romnick Sarmenta, na-stroke pa, habang pawarde-warde naman ang buhay ni Ace (Sam Milby) na tumalikod sa ipinagdadalantao ni Jade.
Naghuhulaan ang manonood ngayon kung alin sa dalawang serye ang papalitan ng The General’s Daughter na pinagbibidahan ni Angel Locsin.
Ang Ngayon At Kailanman ba o ang Halik?
Wala sa pahulaan ang serye ni Coco Martin na Ang Probinsiyano, hanggang sa kalahatian pa raw kasi ng 2019 ang matagumpay na action serye, kaya labas sa usapan ang seryeng nagpapataob sa lahat ng kanyang mga kalaban.May sinabi si Yam Concepcion na isasakripisyo ng dalaga ang matagal na nitong planong pagbabakasyon sa Amerika.
Extended daw kasi ang kanilang serye. Hahaba pa ang takbo ng kuwento ng Halik.Ang papalitan ng serye ni Angel kung saan may mapaghamong role din ang Diamond Star na si Maricel Soriano ay ang kina Joshua at Julia.
Isa ang Ngayon At Kailanman sa mga palabas ng Dos na saktung-sakto ang timpla. Tamang istorya, mga tamang artista, may lalim ang hugot ng kuwento.Kaya naman pala nakaplantilya na ang susunod na pelikulang gagawin ng JoshLia.
Magpapaalam ang kanilang serye na baun-baon nila ang paghanga ng manonood dahil minsan pang pinatunayan ng loveteam na ito na puwede silang isalang sa kahit anong klase ng role.