Ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang kasong isinampa laban kay Vhong Navarro na rape at attempted rape ni Deniece Cornejo.
Matatandaan na inakusahan si Vhong ng two counts of rape – by sexual intercourse and by sexual assault – nu’ng Jan. 17 at 22, 2014.
Last year ay ibinasura ang kaso dahil pabago-bago umano ang kuwento sa kanyang tatlong sinumpaang salaysay.
Sa 20-page resolution na may petsang April 30 tinanggihan ng DOJ ang apela ni Cornejo na baligtarin ang desisyon ng DOJ Prosecutor General’s review resolution nu’ng September 6, 2017.
Wala ring mabigat na timbang sa DOJ ang inihain na bagong evidence ni Deniece against kay Vhong.