NAKAKAALIW ang It’s Showtime kahapon nang sabihin nila na parang bonnet ang bagong hairdo ni Vice na may bangs.

Umarteng napikon si Vice at cute ang pambubuska sa kanya nina Vhong ­Navarro at Anne Curtis.

Habang ang iba ay tiklop agad at puri nang puri kay Vice, maganda ang dynamics kapag may tumatapat at lumalaban sa punchlines niya.

***

Speaking of It’s ­Showtime, mukhang tuluyan nang umalis si Kuya Kim Atienza rito dahil travel kete travel na ito.

May special shoutout pa ito kahapon kay Gretchen Barretto “who helped me book a flight, book a beautiful hotel and treated me to a sumptuous Kobe dinner while stranded in Tokyo.

I am safely in Niseko now. Maraming Salamat! All the love and hugs to everyone!”

Kasama ni Kim at ng asawa niya si Karen Davila at ilan pang kaibigan.