Vhong bagong babae si Pia

tonite-this-is-it-roldan-castroBagong tambalan ang magaganap dahil magsasama sina Vhong Navarro at Pia Wurtzbach. Excited si Pia sa bagong project na ito. Bagong timpla ng pakilig ang mangyayari.

Nakatakdang magsimula ang shooting nila sa pelikula next week. Dark comedy raw ito at interesting.
***

Alden, Maine pataasan ng kita sa negosyo

Tigilan na ‘yang pagkukumpara sa negosyo nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Pati ba naman kita ng food chain nila ay gagawing isyu kung alin ang mas kumikita?

Hindi magkaaway ang dalawa. May kanya-kanya lang silang buhay. Posibleng sa takdang panahon, magsama ulit sila sa isang pelikula, noh?

Walang kumpetisyon sa AlDub! Huwag gawing isyu na nagpapataasan sila ng kita.
***

JV ‘di bitter sa INC

Positive ang feedback na ‘di nagmaasim si Senator Joseph Victor “JV” Ejercito sa Iglesia Ni Cristo (INC). Nagpasalamat pa rin siya kahit hindi siya in-endorse sa kanyang pagtakbo ulit sa Senado. Nirerespeto nito ang desisyon nila.

Gayunpaman, ini-endorse pa rin siya ng Senate President na si Tito Sotto. Kilala kasi siya kung paano siya magtrabaho sa Senado. Bukod dito, iniisip niya ang kapakanan ng ating kababayan sa kanyang Universal Health Care bill.

Samantala, nagkaroon kami ng pagkakakataon na makasama sa San Juan City Tour at courtesy visit sa kanyang ina na si Mayor Guia Gomez. Tinapos pala niya ang nasimulang proyekto ng kanyang anak na si JV bilang alkalde noon ng San Juan.

Ipinaliwanag ni Mayor Guia kung paano nag-transform ang Pinaglabanan Shrine nu’ng Mayor pa si JV. Naging malinis, maganda, environmental-friendly freedom park ito. Dati, ang Pinaglabanan area ay parang “Smokey Mountain” ng San Juan na tapunan ng basura. Pero ngayon ay maraming attraction sa nasabing lugar na makakapang-akit sa mga turista.

Ipinakita sa amin ni San Juan Councilor Vicente Pacheco kung saan nakalagay ang CEDOC (Central Emergency Disaster Operation Center) para sa maagap nilang pagtugon sa mga emergency na nangyayari sa lungsod. Ang mga camera ay naka- install para ma-monitor ang nagaganap sa kapaligiran ng San Juan.

Ipinasyal din kami sa Museo El Deposito, Museo ng Katipunan, Church of San Juan Del Monte or the Sanctuario Del Santo Cristo Parish, atbp.

Binigyan din kami ni Mayor Guia ng coffee table book ng San Juan City.

Sa huling pahina, makikita ang profile ni Sen. JV at may caption na:
“It is my privilege to have been born in, played, lived, grown up, studied and for some time, led my beloved San Juan. As I have witnessed my town evolve into a fifth-class municipality of the Province of Rizal, to a new vibrant city of San Juan is truly a domestic haven for a lot of San Juanenos, that makes it hard for all of us to forget and depart from San Juan.”
Talbog!