After almost 5 years, nakamit ni Vhong Navarro ang hustisya nang hatulan ng “guilty” Cedric Lee, Deniece Cornejo, at Jed Fernandez sa kasong grave coercion na isinampa niya laban sa mga ito noong 2014.
Matatandaang lumabas ang desisyon ng Metropolitan Trial Court sa Taguig noong July 27.
Aminado ang TV host/dancer/comedienne na nakahinga na siya nang maluwag matapos lumabas ang hatol.
“Halos maglilimang taon na rin. Kumbaga, at least, nagkaroon tayo ng hinga. Kumbaga, nakita ng judge kung ano talaga ang sinasabi ko,” ani Vhong.
Nakapagpatawad na ba siya?
“Kasi, sabi ko nga ulit, ako naman, willing magpatawad kung ang tao ay pinagsisihan kung ano ang ginawa niya. Kasi mahirap magpatawad kung ang tao ay hindi pa rin sila. . .may galit pa rin sila, hindi pa rin sila humihingi ng tawad,” sagot ni Vhong.
Marami nga raw ang nagsasabi sa kanya na dapat ay magdoble ingat pa rin siya ngayon pero ani Vhong, ibinibigay na raw niya ito lahat sa Diyos.
“Di ba, sinabi ko naman sa inyo, kung ano ang mangyayari, mangyayari. Kung baga, nakatakda. Kailangan mo lang gawin kung ano ‘yung ginagawa mo lahat.
“Kasi, kung mananatili ka sa takot, walang mangyayari sa atin.”
Tinanong din si Vhong kung sakali bang mabigyan siya ng chance na magawa ito in real life, gugustuhin pa ba niyang balikan o itama ang nangyari sa kanya noong 2014?
“Ang hirap ikorek kung iyon ay nakatakda. Kung baga, dapat meron tayong matutunan sa lahat ng bagay at dito, may matutunan ako kaya siguro, dapat, ma-experience ko ‘to,” he said.
Sandra natuto sa Bb. Pilipinas Q&A
Hindi na clueless ngayon ang Binibining Pilipinas 2018 candidate na si Sandra Lemonon sa Build, Build, Build program ng DPWH (Department of Public Works and Highways).
Ayon kina DPWH Secretary Mark Villar at Department of Transportation (DOT) Secretary, Arthur Tugade sa press lunch kahapon, marami na raw alam si Lemonon about Build, Build, Build dahil dumaan daw ito sa briefing mula sa DPWH.
“Ako mismo, nagbigay din po sa kanya ng briefer sa Build, Build, Build,” pahayag ni Sec. Tugade, “at dumaan po siya sa mga communication department namin at binigyan namin siya ng mga aralin upang maintidihan niya ‘yung aspeto ng transportasyon sa programang Build, Build, Build.
Tumutulong din daw si Sandra sa kanila para mag-promote ng nasabing programa.
Matatandaang naging kontrobersiyal si Sandra nang tanungin sa Q&A portion ng BB. Pilipinas pageant kung ano ang masasabi niya sa Build, Build Build program ng gobyerno at sinagot niya na wala raw siyang masyadong alam tungkol dito.
Samantala, para naman din hindi clueless ang iba tungkol sa Build, Build, Build ay nagbigay ng update si Sec. Villar kung ano na ang latest development tungkol sa proyekto.
Aniya ay bubuksan na raw ang Harbor Link this year kaya ‘yung mga truck ay hindi na raw kailangan pang dumaan sa EDSA or C-5.
Matatapos na rin daw ang Laguna Lake Highway by 3rd quarter of this year. Last week ay binuksan na raw nila ang first main exit ng Skyway.
“Tuloy-tuloy naman po ang construction at asahan n’yo naman po that in the next few years, marami pong improvement sa traffic.”
Dagdag pa ni Sec. Villar, makakaasa raw tayo na hindi forever ang traffic sa ating bansa.
“Wala naman talagang forever, so pati itong traffic, hindi ito forever,” pahayag pa ni Sec.Villar.