Bakasyon at walang trabaho ang ginagawa ngayon ng Eat Bulaga Dabarkads sa Holy Land sa Israel. Ayon ito kay Rams David nang linawin niya ang unang text sa amin na sa Holy Land gagawin ang episode nina Meng at Alden paras a EB Lenten Drama Specials.

Of course, hindi naman todo bakasyon ang ginawa ng Dabarkads sa mga lugar na pinasyalan nila. Nagdasal din sila sa mga lugar na naging bahagi ng buhay ni Hesus gaya ng Galilee Sea, Garden of Gethsemane at iba.

Pumasyal din sila sa Jordan River kung saan bininyagan si Hesus. Nag-renewal of baptism sina Alden Richards, Pauleen Luna-Sotto, Vic Sotto, Allan K, Wally Bayola, Ryza Mae Dizon, Jimmy Santos, Pia Guano at Maine Mendoza. Si Father Jeff Quintela.

Tila safe naman ang Dabarkads sa mga lugar na pinasyalan nila dahil habang nandoon sila eh, may lumabas na report mula sa Israel News Feeds na nagkaroon ng bombahan sa Central Israel damay ang Tel Aviv.

Sa latest IG post ni Allan K, makikita na nasa Jerusalem sila, sa lugar na kung saan ay ipinako si Hesus. Nagpunta rin sila sa lugar na pinaglibingan kay Hesus.

 

Pinoy boy band JBK nakatikim ng ‘talak’ kay Simon Cowell

Natalakan ni Simon Cowell ang Kapuso Millennial trio na JBK nang sumali sila sa X Factor UK nu’ng 2017. Matapos silang hangaan sa pagkanta eh, nagsayaw sila.

Ayon sa isa sa members na si Kim Ordonio, “‘Sabi ni Simon sa amin, ‘You’re not a dancer!’ Hindi naman kami ‘yung pinahiya niya nang todo. Hindi naman talaga kami dancers! Ha! Ha! Ha!”

Pero pagdating sa bosesan, panalo ang tatlo, huh! Kaya naman sa nalalapit nilang first major concert na Just Be Kind sa Music Museum sa March 29, nais nilang maging musical within a musical ang konsepto nito.

Nang humarap sila sa press, nagpasampol sila ng husay nila sa pagkanta ng ilang sikat na kanta ng South Border at nang kantiyawan na kantahin ang hit song ni JK Labajo na Buwan, pasabog din ang rendition nila.

“Dapat din nilang abangan ‘yung hugot skits namin at kakaibang style ng kantahan,” ayon sa isa pang member na si Joshua Bulot. Ang isa pa sa trio ay si Bryan del Rosario.

Ang bahagi ng proceeds ng JBK concert ay mapupunta sa Mabuhay Desert Foundation, Yes Pinoy Foundation at HERO Foundation, Inc.