tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio
Halos lahat ng mga magagandang sangkap para sa isang pelikulang para sa pamilya, pasok sa banga sa Jack Em Popoy The Puliscredibles at ang mga ito, sa full trailer pa lang ay hindi lang kitang-kita, damang-dama na.

 

At ano ang mga ito? Walang duda, si Vic Sotto ang pinakahinog na at nararapat na tagapagmana ng iniwang trono at titulo ni Dolphy, ang Comedy King.
Sa trailer, may eksena sila ni Martin nakadamit pambabae at umaarteng mga babae na very ho­mage sa much missed Comedy Legend.
Si Dolphy kasi ang laging may mga eksenang nagpapanggap na babae na kahit alam mong hindi naman talaga babae, we accept and take it all, hook, line and sinker.  What made the scene truly Vic’s ‘yung drama kunyari natapilok siya matapos sabihin ni Jack na huwag magpapahalata. Call the diva that you love so babaw pero the eksena is so kwela, I swear!
Ganiyan si Bossing Vic sa eksena nila ni Coco, so Mang Dolphy talaga, pati na rin ‘yung mga eksenang nasa tight action situation tapos biglang hihirit ng “Hi, fans” o kaya sa eksenang nagdadramahan si Mendoza na dapat nilang iligtas si Coco, tapos ang reaksyon lang ni Vic ay “ang OA mo” is true to what Mang Dolphy did pag may co-star siyang gusto niyang mag-shine pero hindi niya sinasapawan.
“Star struck, kina­kabahan, malaking karangalan” para kay Rodel Nacancieno na makasama ang Bossing ng Bayan sa pelikulang kanilang pinagbibidahan.
Sa mga kaganapan sa trailer, makikita mong hindi lang pang-love team ang dapat may chemistry, dapat ang mga bida rin, meron.
‘Yung eksena nila ni Jack na parang pinagsasabihan niya si Popoy tungkol sa kaso, ‘yung nag-uusap silang dalawa na may pangako ang huli sa una na sila talaga ang tag team, pati na rin ‘yung kunyari nagra-rap si Coco at yung pagsambit niya na nanood si Martin ng Eat Bulaga.
Speaking of Eat Bulaga, inamin ni Coco na pinagpapaalam na niya sa kanyang pamunuan ang kanyang pagbisita sa nasabing programa.
Guwapo overload si Nacancieno sa pelikula at ang charisma niya talaga, siksik, liglig at umaapaw.
Wala yata siyang anggulong pangit sa trailer, mula sa chase scenes at action sequences kung saan super closed ang kanyang pores at walang paglalapot. Ang inisan nila kunyari ni Maine bilang Em at ang mga sweet-sweetan moments, panalo.
Kahit pa nga may “friend” si Mendoza sa katauhan ni Arjo Atayde at “getting to know each other” stage sila bilang magkaibigan at  maaring ito ang dahilan kaya masaya at blooming siya, hindi puwedeng ikaila o itanggi na bagay na bagay sila ni Martin bilang on-screen partners at sweethearts.
Of course, ang tandang pandamdam na sangkap, ang Philippine Sweetheart na si Maine Mendoza.
Walang duda na she is comfortable in a role na tailor made for her. Police woman na may protective father, na sa una ay inis na inis kay Jack at eventually eh kikiligin hanggang sa mag-fall sa mucho guwa­pitong pulis with a heart of gold.
Panalo ang freshness at kariktan ni Mendoza in a red dress na slow motion pa man din. Mas panalo ang eksenang binuhat siya ni Popoy habang iniikot-ikot at pag magkadikit ang kanilang mga mukha, para talagang match made in heaven.
Sa trailer pa lang panalong-panalo na ang pelikula ni direk Mike Tuviera, tiyak mas marami pang sorpresa at pasabog ang buong pelikula.
Mula sa sa CCM Film Productions, APT Productions at M-ZET Productions ang Jack Em Popoy The Puliscredibles ipapalabas ngayong Kapaskuhan.

Mystica walang nahabag sa showbiz

Matapos dedmahin nina Michael V at Dingdong Dan ang kanyang panawagan, may video na naman si Mystica, at saklolo ang hinihingi nito sa Tulfo Brothers.
Gusto niyang saklolohan siya kasi sobrang bash at hate ang kanyang tinatanggap at ang paglalahad niya sa bidyo kung saan walang patumangga ang kanyang pag-ngawa at ngalngal, eh isa lang ang be all and end all, na makabalik siya sa showbiz at makapagtrabaho muli.
Greatest, over the top dramatic actress yata ang gustong makamit ni Mystica dahil lahat talaga, tinodo na niya sa video, magang mga mata, check. Naglalakihang eye bags, check na check. Luhang lumalagaslas with mat­ching pag-uhog, check na check na check. Butas ng ilong na sumisiklab, apat na check. Garalgal at paos na boses, lima ang check!
For all the alulong at panaghoy, bakit kaya walang gustong sumeryoso kay Mystica? Bakit matapos ang “break” nilang mag-asawa sa FPJ’s Ang Probinsyano, hindi lang sinarhan, parang kinandado muli ang showbiz pintuan sa kanya?
Is this a case of a woman who cried wolf o talagang lacking and wanting in sincerity ang pagngawa niya, na it is all for show, na gusto niya lang ang 15-mi­nutes of fame at natauhan na ang lahat, ayaw na siyang bigyan pa nito?
Nakakapagtaka rin naman kung bakit wala na yatang gustong mahabag sa Reyna Splitera? Mas makakabuti sigurong she channels her energies to something else. If showbiz does not like you anymore, so be it. Accept it and be thankful still, for what you have.