BIYAHE ang isa sa maituturing na bon­ding ng mag-asa­wang Vic Sotto at Pauleen Luna.

Iyun ang parang pan-relax nila.

“Even before we got married, alam n’yo naman ang Bulaga, we always get treated to trips, to wherever at kaming dalawa naman, kahit road trip lang, nagkakatalo na kami, eh.

“Papuntang Subic o Bataan, sa South… it’s a way of parang getting away from it all… sa trabaho,” saad ni Bossing Vic sa press launch ng bagong endorsement niya – ang Chooks To Go – kamakalawa sa Edsa Shangri-La.

Sabi pa ng Eat Bulaga host, “Ayaw naman naming puro trabaho lang, eh. Parang pan-therapy rin, pang-alis ng stress.

“Hindi naman puwedeng wala kang stress sa araw-araw na buhay. Pang-alis stress na rin yun, eh.”

Kasama sa mga biyahe nila, nandiyan na ang pagkain at ang isa sa napagkasunduan nila ay ang hilig kumain ng manok.

Si Pauleen daw talaga ang nag-ayos na makuha niya ang endorsement ng Chooks To Go dahil paborito nila ang manok ng Chooks.

Dating ini-endorse ni Richard Yap ang Chooks To Go at ngayong tapos na ang kontrata nito, si Bossing Vic na ang naisip nilang mag-endorse para sa bago nilang campaign.

Natutuwa si Bossing Vic kay Pauleen dahil nakatutok ito sa kanya hanggang sa napirma­han ang kontrata.

Hindi ang asawa niya ang mana­ger, pero ito lang daw sa Chooks To Go siya nakatutok dahil paborito ito ni Pauleen.

Pauleen Luna
Pauleen Luna

Masaya na siya roon dahil isa iyun sa magandang pag-aalaga sa kanya ni Pauleen.

Doon sa launch ay napansin naming parang bumabagets na si Bossing Vic.

Tinanong namin si Pauleen, bakit parang bumabata yata lalo ang dyowa niya.

“Busy kasi sa paggawa ng baby,” pabiro niyang sagot sa amin.

Sabi naman ni Bossing Vic, “Totoo ‘yan, try and try until… si­guro in God’s time na mabiya­yaan din kami ng supling.”