Vic, na-offend sa Cinemalaya ad

Vic Sotto

HAVEY: Naganap na kagabi ang awards night ng Cinemalaya 2016 at habang nagbubunyi na ang mga nagsipagwagi, interesante ring ma­laman ang naganap behind-the-scenes.

Bukod sa main competition, mayroon ding NetPac jury (o Network for the Promotion of Asia-Pacific Cinema).

Kasama sa NetPac jury sina Nestor Jardin na Co-founder ng Cine­malaya Foundation at President and Festival Director, Cinemalaya Independent Film Festival, 2005 to 2014; Yasu Tanaka, Scriptwriter/Script Analyst for 20 years in Hollywood na may mga libro in Japanese (AIIKU, 2009) and in English (Scriptwriting: Ultimate Storytelling, 2011);

At ang ikatlo ay si Mike Tuviera na kasali sa Cinemalaya Film Festival Director’s Showcase via The Janitor na nagwagi ng Best Director and Best Screenplay awards.

Little did we know na nag-back out pala si Mike Tuviera sa pagiging NetPac judge dahil hindi katanggap-tanggap ang ad ng Cinemalaya na suma­li at tinalo ang mga nagtatrabaho sa telebisyon at ibang kasamahan natin sa industriya.

Sa naturang ad na gawa ng Leo Burnett kung saan tampok si Edu Manzano, parang patama ito sa character ni Enteng Kabisote na ganu’n ang genre at ang mga nagtatrabaho sa telebisyon.

Balita namin ay masama ang loob din ni Vic Sotto sa naturang ad pero deadma na lang at hindi na lang siya nagsasalita.

May isang award-winning writer pa na si Elmer Gatchalian na nagsabi, “Really Cinemalaya (and Leo Burnett)? 12 years na ang Cinemalaya pero ito pa rin ang slant ng promo n’yo?

“May disconnect din, kasi, pelikula ang pino-promote pero TV ang pinagtatawanan.

“How ironic. You depend on the popularity of TV stars to sell your movies and admittedly, you need the media mileage provided by TV networks, and yet you make fun of local television?

“Even some of your filmmakers are working in TV right now. And for the record, ‘yung mga TV shows na pinagtatawanan n’yo, matagal nang wala sa ere.

“Why can’t indie cine­ma and Philippine TV coexist harmoniously?”

Mukhang last minute at bago ang Opening ng Cinemalaya lang lumabas ang naturang ad at hindi ko alam ang extent ng involvement ng pamunuan ng Cinemalaya sa naturang ad dahil may separate na ahensya na may gawa nito.

Still and all, salamat pa rin sa Cinemalaya sa suporta nila sa mga independent filmmakers.
Sana, magtulungan na lang lahat ng sektor ng industriya at magsuportahan kaysa magsiraan.

***

Jericho Rosales
Jericho Rosales

WALEY: Usap-usapan at kailangan pa ring makuhanan ng kumpirmasyon ang mga taong involved tungkol sa pagba-back out daw ni Jericho Rosales sa kanyang prospective MMFF entry.

Nakapag-shooting na raw ng isang araw bago nag-back out si Echo sa sa pelikulang Across The Crescent Moon with Jasmine Curtis Smith as leading lady, directed by Edgardo “Boy” Vinarao and produced by Baby Nebrida.

Ito rin ang pelikulang hindi nagawa ni Tita Boots Anson Rodrigo bilang pag-iwas sa conflict of interest dahil kasama si Tita Boots sa pamunuan ng Metro Manila Film Festival. Kahanga-hanga ang kanyang delicadeza.

Sa pagba-back out ni Jericho, ano na kaya ang mangyayari sa pelikulang ito?
Abangan!

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.