BACK to work na si Vic Sotto, at na-excite siya sa pagbabalik niya sa Metro Manila Film Festival (MMFF) pagkatapos niyang napabakasyon sa pagsali noong nakaraang taon.

Nagkaroon sila ng story conference kamakalawa nang hapon na dinaluhan nila ng leading lady niyang si Dawn Zulueta.

Hindi na #FamilyGoals ng title ng MMFF entry nila, dahil pinalitan na nila ito ng Meant To Beh.

Kasama nila rito ang magka-loveteam pa ring sina Gabbi Garcia at Ruru Madrid, kasama sina Andrea Torres, Daniel Matsunaga, JC Santos, at Baby Baste.

Si Chris Martinez na ang magdidirek nito na first time pa lang makatrabaho ng Eat Bulaga host.

Sabi ni Bossing Vic, wala raw siyang sama ng loob sa ‘di niya pagsali nu’ng nakaraang taon.

Masaya na siya dahil naiba ang rules, at mapapasaya na raw rito ang mga manonood.

“Wala naman akong masamang tinapay of what happened last year. I respect everyone, every decision.

“It’s just nice to be back and I really feel good about it,” pahayag ni Bossing Vic.

Agree siya sa bagong patakaran ngayon sa MMFF at nakikita niyang mae-enjoy ng mga manonood ang mga pelikulang kalahok.

Ani Bossing Vic, “I definitely agree with the rules for this year to accommodate everyone, ‘yung sinasabi nilang mainstream or mga indie.

“Kasi personally, I don’t look at it that way, ito indie, ito mainstream.

“Para sa akin, pare-parehong puro Filipino film ‘yan, eh. I can consider myself as an indie producer because I don’t belong to the big production house.

“It’s just a name na nalagyan lang ng branding which shouldn’t be the case sana. This set-up is kinda ideal for everyone, so everybody happy.”

Simple lang daw ang pelikula nila, pero ang maganda rito, pampamil­ya talaga na hindi na kailangan ng special effects, action scenes o anong slapstick na mga patawa.

“It’s a family comedy movie. We always aim for… lalo na ‘pag Christmas na it’s for the family.

“We have something here for the family. It’s gonna be a fun, heartwarming family movie,” pahayag ni Bossing Vic.

Hindi lang siya sa MMFF excited sa darating na Pasko, kundi hinihintay rin niya ang pagdating ng baby girl nila ni Pauleen Luna.

“She’s due last week of November or first week of December. Most probably nasa post-production na kami,” pakli nito.

Pero feeling niya, parang first-time Dad lang siya dahil malalaki na ang mga anak niya.

“After 26 years, I’ll be a father again. Of course the excitement, parang nare-recycle ‘yung pagka-excited of having a baby. Siyempre, ang mas excited si misis,” tugon niya.

Sabi pa ni Bossing Vic, magiging probinsyana raw ang baby nila dahil sa Laguna sila nakatira at doon nila ito palalakihin.

***

Anthony Vincent  Bova at Direk Maryo J.
Anthony Vincent
Bova at Direk Maryo J.

Dumalo sa presscon ng GMA Artist Center ang Senior Vice President on Entertainment TV na si Ms. Lilybeth Rasonable kamakalawa nang gabi para suportahan ang project ng GMAAC na intense acting workshop sa kanilang stars.

Nagkaroon sila ng three-day acting workshop na ang nag-conduct ay ang professional acting teacher mula New York na si Anthony Vincent Bova.

Magandang experience ito sa stars ng GMAAC stars na kung saan nag-supervise din sina Direk Maryo J. de los Reyes at Direk Laurice Guillen.

Nakausap namin sa presscon si Ms. Rasonable, at hiningan namin siya ng sarili niyang opinyon sa Kapuso stars na naglipatan ng Kapamilya network.

Pahayag ni Ms. Rasonable, “Siguro, iniisip ng mga tao, bakit ganu’n ang sinasabi?

“Pero kung alam mo kung ano ‘yung mga stories behind each and every artist who transferred, may rason. eh.

“Yung iba, they were not renewed, they were released. They’re free to go wherever the work takes them.

“You cannot naman, ‘di ba… answer to each and every comment na bakit umalis, lumipat, ganito.

“Meron namang mga artists from the other network na lumipat din dito. We welcome them. Ganu’n lang naman dito sa ating industry, ‘di ba?

“Napakaliit ng industriya. May aalis, may dadating. Ganu’n din naman sa… may papalitan, may papalit.”

Isa na rito sa napapag-usapang posibleng maging Kapuso artist na ay si Diether Ocampo.

Nakita si Diet as guest sa ilang programa ng GMA 7 kaya magiging contract artist na ba ito sa Kapuso network?

“Wala pa,” mabilis niyang sagot.

“Yes, he has been guesting. That’s true because he is a freelancer now.

“He is always welcome to have shows here kapag may bagay na role sa kanya. Naisip namin siya, kasi, magaling naman siyang artista.

“Pero as of now, guestings,” dagdag niyang pahayag.

Kylie Padilla
KYLIE PADILLA

Ang hinihintay nila ay ang pagbabalik-trabaho ni Kylie Padilla pagkatapos nitong manganak.

Kung puwede lang, gusto na sana nilang isali ito sa teleserye ng GMA 7.

“Actually, gusto namin siyang i-casting, eh. Pero hindi siya puwede, kasi, kapapanganak lang. Mag-aalaga pa ng baby. Naintindihan naman natin ‘yun.

“Pero sa totoo lang, itong mga darating na soaps, gusto na namin siyang i-cast. So, talagang inaabangan namin siya,” saad ni Ms. Rasonable.