Vic, pinapangarap ni Kim Domingo

kim-domingo
             KIM DOMINGO

SI Kim Domingo ang naalala namin nang makita namin ang Kapuso stars na makakasama sa bagong pelikula ni Vic Sotto.

Sina Bea Binene, Ryza Cenon at Ken Chan ang GMA stars na pasok sa cast ng Enteng Kabisote and the Abangers na pam-filmfest ni Bos­­sing this year.

Kaya namin naisip si Kim ay dahil si Bossing Vic ang pinapangarap na makasama sa pelikula ng Kapuso sexy star.

Nang tanungin namin ang 21-anyos na dalaga kung sino ang gusto niyang makapareha ay hindi kung sinong sikat na macho at sexy hunk ang pinili niya kundi si Vic Sotto.

At gusto niya ay comedy movie kung sakali.

As in #1 choice niya talaga si Bossing. Sa kabila ay bet niyang makatrabaho si Gerald Anderson.

Ang alam namin ay magkakaroon ng leading lady si Bossing sa bagong installment ng Enteng Kabisote, hindi pa lang yata in-announce nu’ng storycon.

Kasama rin sa movie sina Jose Manalo, Wally Bayola, Oyo Sotto, Epy Quizon, Kakai Bautista, Alonzo Muhlach, Atak at Rogelia (ng kalye­serye at Calle Siete).

Baka naman puwedeng bigyan si Kim ng kahit guest role, para lang matupad ang pangarap ni­yang makatrabaho si Vic.

At ‘pag nagkausap sila, puwede niyang sabihin kay Bossing na sumali siya sa Little Miss Philippines contest ng Eat Bulaga nu’ng 5 or 6 years old siya.

Hindi nanalo sa nasabing contest ang gumaganap na hot mistress ni Dennis Trillo sa Juan Happy Love Story, pero nag-4th runner-up siya.