May pasabog si Vice Ganda sa “Gandang Gabi Vice” episode last Sunday at ito ay ang pag-amin niya na may dyowa siya ngayon.
Si Angelica Panganiban ang guest na nagtanong sa kanya ng “may dyowa ka ngayon, no?” na sinagot naman ni Vice Ganda nang diretsong “oo.”
Follow-up ni Angelica, “sino?” at sinagot naman ni Vice ng “kilala mo, ‘di ba?” na sinagot naman ng aktres ng “oo.”
Dagdag pa ni Vice, pinakilala na raw niya kay Angelica ang guy na kinumpirma naman ng aktres.
Tanong ulit ni Angelica, “sino?”
Sagot naman ni Vice, “siya na ‘yun.”
Nagtanong pa ulit si Angelica, “matagal na kayo? Paano kayo nagkakilala?”
Rebelasyon ni Vice, “4 months na kami.” Kinilig at sumigaw nang bonggang-bongga si Angelica pati na ang audience. Ang tagal na tawanan ang nangyari.
Pero siyempre, hindi na in-elaborate pa ni Vice Ganda at wala na siyang detalye pang binigay.
Although of course, hinihinala ng marami na si Ion Perez nga ang guy dahil ilang araw na nga itong pinagpipiyestahan.
Sa totoo lang, ngayon lang namin nakitang naging open si Vice Ganda sa kanyang love life.
***
Angelica bad trip kay Carlo
Sa “Gandang Gabi Vice” pa rin, tinanong ni Vice Ganda si Angelica kung bakit niya in-unfollow si Carlo Aquino sa social media at sinagot naman ito ng aktres.
“May nag-comment sa akin. Naglagay ako ng picture at nilagay ko na ‘love yourself’. Tapos may nag-comment na sinasabi niya na, ‘bakit mo sinasabing love yourself, ang dami tuloy nagsasabi na totoo ang tsismis na may girlfriend si Carlo, bakit hindi n’yo to i-settle na mga mature kayo na tao?’ ganyan, ‘genuine ba talaga ‘yung pinakita mo sa kanya?’ etcetera, etcetera,” simula ni Angelica.
Inamin niyang naapektuhan siya sa komento ng netizen.
“So, na-offend ako at ipinagtanggol ko. Ayun, sabi ko, sige, ganito na lang, ayoko na lang ma-associate sa inyo, ako pala ‘yung nakakapagbigay ng hindi magandang image sa kanya.
“So, in-unfollow ko siya, and ‘yun.”
Tinanong ni Vice kung maluwag naman sa kalooban niya ang pag-unfollow at ani Angelica, “oo.”
Hindi naman siya nagalit?
“Hindi,” sagot ni Angelica.
Natanong din siya kung friends sila ni Carlo at sagot ng aktres, “no.”
Medyo malabo pa rin, actually ang mga sinabi ni Angelica at hindi talaga nalinaw kung ano ba talaga ang meron sila ni Carlo dahil nga ang tsismis ay pinaasa siya ng aktor at pagkatapos ay bigla na lang lumabas na may iba pala itong girlfriend.
And the fact na hindi sila friends ngayon means may nangyari ngang hindi maganda sa friendship nila or kung anumang relasyon meron sila.(