Vice at Coco, most requested sa New York

Vice Ganda
Vice Ganda

NGARAG si Vice Ganda sa kaliwa’t kanang trabaho.

Noong Lunes pa siya nasa Alabang para sa Pinoy Boyband Superstar.

Sa Muntinlupa Sports Complex kasi ang taping ng nasabing show at para hindi na magbalik-balikan sa Quezon City, sa isang hotel na sa Alabang sila naka-check-in.

Hindi nakakapag-It’s Showtime si Vice simula noong Lunes, pero hanggang kahapon lang ang taping ng Pinoy Boyband Superstar, kaya magre-report na siya ngayong araw na ito sa kanilang noontime show sa ABS-CBN.

Noong Lunes, nag-mock-up taping sila at mula Martes hanggang kahapon, the whole day silang nagte-taping.

Nakatatlong episodes na sila kasama ang tatlo pang judges na sina Sandara Park, Yeng Constantino at Aga Muhlach.

Kuwento sa amin ng isang malapit kay Vice, baka bukas eh magsu-shoo­ting si Vice para sa pelikula nila ni Coco Martin na balak isali ng Star Cinema at Viva Films sa Metro Manila Film Festival 2016.

Eh, dahil sa taping ng Pinoy Boyband Superstar, nakaisang shooting day pa lang si Vice para sa nasabing pelikula.

Hanggang sa Tuesday naman daw ay magsu-shooting siya dahil gusto ng direktor nilang si Bb. Joyce Bernal na makatapos sila ng Okture para sa deadline ng bagong filmfest executive committee.

Hanggang sa Miyerkules lang si Vice sa It’s Showtime dahil sa Huwebes nang hapon ang alis niya pa-New York City para sa concert doon ng ASAP sa Setyembre 3.

Most requested sa ASAP New York concert sina Vice at Coco, kaya stop shooting muna sila.

Anyway, dahil palaging napapansin kay Vice ang nice pair of legs niya, biniro namin siya na from now on ay “the comedian/TV host with a million dollar legs” na ang itatawag namin sa kanya.

Kapag naka-short kasi si Vice, kitang-kita ang magandang hubog ng kanyang mga binti.

Maraming babaeng maiinggit sa legs ni Vice at walang kiyeme ‘yan, ‘noh?!

Maine, dinumog sa Universal Studios

Bibilib ka sa fans ni Maine Mendoza dahil habang nasa Los Angeles, California ang phenomenal star ng Eat Bulaga, palaging upda­ted ang kanyang loyal followers kung saan-saan siya pupunta, huh!

Hanggang sa Universal Studios, dinumog si Maine.

Nagsipuntahan ang fans ni Maine sa Universal Studios at lahat sila, pinagbigyan ng dalaga na makapagpa-picture kasama siya.

Walang kapaguran si Maine basta mapagbigyan lang ang kanyang fans.

In fairness to the fans, hinayaan din nilang makapag-enjoy si Maine (pati ang mga kasama nito) sa Universal Studios.

Sulit na sulit ang pagpunta ni Maine sa Ca­lifornia dahil bukod sa napanood na niya ang paborito niyang Coldplay sa Rose Bowl sa Pasadena ay nakapamasyal pa siya sa iba’t ibang lugar sa California.

***

Mukhang tama ang kuwento ng mag-asawang Direk Carlo J. Caparas at Donna Villa na magpapaka-active na uli sila sa paggawa ng pelikula.

Hindi pa man naisu-showing ang Miracles are Forever movie nila with El Shaddai leader Bro. Mike Velarde, nagsimula na sila ng bagong pelikula.

Noong Martes ay nag-shooting na sa Laguna area si Sarah Lahbati at iba pang mga artista. Kahapon, si Eddie Gutierrez ang nag-shooting sa kanilang pelikula.

In full swing na kaagad ang shooting ng bago nilang pelikula.

Mukhang ganado sina Direk Carlo at Tita Donna sa pagpoprod­yus uli ng mga pelikula.

Noong makakuwentuhan namin sila ay sinabing natutuwa sila dahil maraming mga taga-local movie industry ang nagkakatrabaho.