tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio

Ang diva that you love, aliw sa hirit na tanong mula sa seasoned journa­list Danny Vibas, ang tanong niya, “Di kaya mabwisit si Vice Ganda sa batang bully na yun dahil agaw eksena siya sa love triangle­ niya with Calvin and his wife?” Bwahahaha! Oo nga naman, hindi pa umiinit ang mga kuda at hanash sa bizarre love triangle na ito, gone in 60 seconds na agad ang interest sa kanya.

Sa true lang, nakakapagtaka ang biglaang obsesyon sa mga viral video kung saan mapapanood ang isang batang lalaking vertically challenged na hindi lang nang-uurat eh may pisikal pang pananakit sa kanyang mga kapwa mag-aaral.Ang mas nakakahibang, ang bashing, blaming, finger pointing at shaming na mababasa mo sa social media.

Parang mob effort ang dating at lahat nakatuon sa batang lalaki.Kaya nga ang tanong ni BFF haute couture  fashion designer Albert Fontanilla, sana masagot niyo, dear Abante TONITE readers, “Sino ang BULLY… ikaw na humuhusgang NAKIKISAWSAW o yung batang  DI MO KILALA na dinadamay mo na pati buong pamilya?” at maidagdag ko na rin pati ang paaralan niya?

Bigla ko tuloy na-miss ang Probe, tiyak kung umeere pa ito, agad-agad, may insightful segment kung saan hihimayin from all angles ang sitwasyon.Ang Kapuso Mo Jessics Sojo o Rated K, kaya, may segment na gagawin para dito? 

Ang relatively young documentarian Atom Araullo, will his Atom Araullo Stories make an exhaustive feature on all sorts of bullying? Ang current Ms.

Universe Catriona Gray kaya, ano ang stand niya sa bullying and will she ever reach out to kids, teens and adults who suffer emotional battery and physical abuse?Ang top rating drama anthologies na MMK at Magpakailanman, magka-letter sender kaya na magkwe-kwento about their bullying experience, how it scarred them and how they survived? 

Bagay ba sa katulad nina Marco Masa o Noel Comia Jr., na umarte bilang bully kasi both possess angelic looking faces yun pala ang mga katauhan nila ay bullies? Mas panalo ba kung ang isang mahusay na boy actor na katulad ni Kenken Nuyad ang bully, o mas convincing kung siya ang subject of bullying? Ang masasabi ko sa pangyayaring ito, gusto niyong malaman? Juice colored!

There are better things to make galit about, sa true lang. Ang batang lalaking ito, he is still entitled to make stupid mistakes.

Kung maka-hanash, kayo ba ang magulang? Let his parents and his school deal with him. Mas magalit kayo sa mga garapal na ang pagka-ganid at sukab. Kung saan-saan niyo sinasayang ang rage at wrath niyo.

Alam niyo naman kung ano-ano ang kanilang mga ginagawa at kung sino-sino sila. Focus on the bigger bullies, please. 

And most importantly, be mindful of your own kids, siblings and wards. Huwag pulos datung, damit, laruan at gadgets ang ibinibigay niyo sa kanila. Children learn from what they see and experience first in their homes.

What you sow, they reap kaya maging tamang ehemplo sa mga anak, kapatid at iba pa. ***Catriona, Clint dapat tularan sina Pia-Marlon
May mga nakapansin na ang magsing-irog na sina Ms. Universe Catriona Gray at boyfriend nitong si Clint Bondad, they unfollowed each other sa Instagram. Ang mga naalarma, nakalma rin agad-agad kasi the couple followed each other anew.Ang Ms.

Universe 2015 Pia Wurtzbach at kasintahan nitong si Marlon Stockinger, had the same fate, at tila mas maraming pagsubok na pinagdaanan, sangrekwa rin ang nagwi-wish na maghiwalay ang dekolor at puti nila pero lahat kinaya nila. Ang relasyon, para magtagal, you must work at it.Picture of a happy couple sina Wurtzbach at Stockinger na magkasamang pinanood ang Miss Universe sa Thailand kung saan nga nanalo si Bb.

Gray.Sana, sina Catriona at Clint, gawing ehem­plo sina Pia at Marlon lalo na sa aspektong on how alpha people deal with their relationship. Communication, compromise, honesty, respect, space and making each other feel secure and loved despite the distance and the full commitment from both parties to make it work are crucial and super important for power couples like Gray and Bondad. Huwag magpadala sa pressure and career related stress. Huwag magpalupig ang pag-asa.