tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio
Dahil nga mismong si Queen Bayot Vice Ganda ang naglahad na masaya sila kung ano meron sila ni Calvin Abueva, ang magka-bromosexual relationship, go for gold sa kanilang sowing and reaping of happiness dahil spotted ang dalawa sa isang party place sa Boracay.
Sa mga video at photo posting makikita ang pagsasayaw nila, pagpatong kadalasan ng braso ni Abueva sa balikat ni Jose Marie, sabayang pag-awit, dikitan ng mukha.
Ang pinaka-payanig,­ ‘yung paglabas ng kanilang mga dila, una ang reyna, tapos ang kanyang konsorte. Ano nga kaya kung talagang nagdikit ang kapwa nila mahahabang dila, French kissing in Boracay nga kaya ang captured for posterity”.
Sa true lang, sa mga bidyo at larawan, kitang-kita talaga ang level of comfort at intimacy na pinagsasaluhan nila. Gusto nila ang isa’t isa, walang duda iyon. Parang on their “honeymoon” phase ang kanilang bromosexual relationship.
Marami sa mga sumusuporta kay Vice ang tuwang-tuwa na sa wakas, may kaibigan itong lalaki na ipinagmamalaki ang alpha maricon. Deserved naman ni Viceral ang ganitong klaseng lalaki at kasiyahan.
Mas marami pa sanang bidyo and photo moments ang ibaha­gi ni Vice and Calvin para sa kanilang public.
Ang ginagawa kasi nila ay napakagandang pagpapakatotoo na ang samahan at pagkakaibigan ay puwedeng mamagitan sa dalawang taong na magkaiba ang sexual orientation at preference.
Na matapang sila na ipangalandakan sa lahat na masaya at nagkakaintindihan kami, katanggap-tanggap at kalugod-lugod ang ganitong kakaibang pagsasamahan.
Siguradong hindi naman nila intensyon pero what the two are doing, they are making the “nakakainis, nagmamalinis” demographic accustomed and eventually more accepting of things that can be na pinagsasaluhan ng isang bading at lalaki.
Ligaya na ba ang dapat nating itawag kay Vice Ganda?

Solenn grabe ang pangangaliwa

Speaking of Cain at Abel, umiigting ang mga eksena rito, huh. Mabilis ang kuwento. Laging umaatikabo ang mga bakbakan at dramahan.
Sa mga sumusubaybay, bothered­ sila na naging fall guy si Elias, ang katauhan ni Dennis Trillo. Siya lang naman ang pinaako sa isang kasalanan na hindi niya ginawa para mailigtas ang anak na nasa isang peligrosong sitwasyon.
Cry me a river naman si Abigail, ang ginagampanan ni Solenn Heusaff na best in kalandian at pagtataksil.
Bothered naman si Daniel ng kanyang konsensya dahil nga may isang nilalang na nasa kulungan na wala naman talagang sala.
Maghaharap na naman ang magkapatid na hindi alam na magkapatid sila, isa ay nasa loob ng rehas, isa ay nasa labas, at dito may aminan, maaaring may sumbatan pa.
Siyanga pala, ang mga bida sa Cain at Abel ang major personalities sa co­ver at ayon sa aming patnugot, bongga ang story at layout nito sa papara­ting na second issue ng Celebrity Radar na magiging available ngayong Disyem­bre. Ang tamang pagbigkas nga pala sa Radar ay RAY-DUR. Para nakaka-shala, hindi ba naman!
Ang diva that you love ang sumulat sa Cain at Abel feature. Salamat my dear Abante Tonite readers sa inyong supor­ta at pagyakap sa a­ming maiden issue. Dahil sa inyo, SOLD OUT ang showbiz magazine na walang katulad.
Maligayang-maligaya kami dahil love, love, love niyo ang Celebrity Radar