KAHIT holiday kahapon, grabe pa rin ang traffic, lalo na sa mga lugar na may malls.

Parang nalipat ang Christmas day kahapon dahil dinudumog sa mga sinehan ang mga pelikulang nag-showing kahapon.

‘Yung kay Bossing Vic Sotto, ang Enteng Kabisote 10 and The Abangers, okey sa takilya.
Balitang sobrang okey ‘yung Super Parental Guardians nina Vice Ganda at Coco Martin na sobrang binugbog ng ABS-CBN sa promotions, huh!

As of 4:00 PM yesterday, nakaungos ang pelikula nina Vie at Coco compared sa pelikula ni Bossing Vic, pero who knows at baka umabante ang Enteng Kabisote 10 and The Abangers lalo na at suportado sila ng AlDub fans.

Marami kaming kilala na fan ni Maine Mendoza (pati na rin ni Alden Richards) na sobrang excited mapanood ang Enteng Kabisote 10 and The Abangers dahil kasama roon ang kanilang fave loveteam.

***

Isa sa maraming um-attend sa book launch ng Truth and Lies My Mother Told Me ni Ruffa Gutierrez noong Martes sa Shangri-La The Fort ang BFF niyang si Donita Rose.

In fairness, ang laki na ng ipinayat ni Donita after niyang magmukhang lumba-lumba some months back, huh!

Pagpasok pa lang ni Donita, kami na ang nabungaran niya. Kaagad siyang lumapit sa amin, pero alangan siya kung babati siya o hindi dahil noong nagkrus ang aming landas sa birthday event ng panganay ni Ruffa na si Lorin Bektas sa Director’s Club Cinema sa S Maison ng Conrad Manila, medyo nagkairitahan kami.

Inismid-ismiran niya kami dahil sa naisulat namin na sobra siyang tumaba.
Nagtanong pa talaga sa amin si Donita kung puwede siyang bumati sa amin.

Sabi naman namin, depende kundi siya mag-a-attitude na naman.

“Kasi naman, nagtampo talaga ako, Tito Jun. Of all people, ikaw ang nagsulat no’n (tungkol sa sobra niyang pagtaba)!” sey ni Donita sa amin.

“Ayaw mo no’n, na-inspire ka tuloy na magpapayat. At least, ang laki na ng ipinayat mo!” sagot namin kay Donita na really looking good again!

Iniba na namin ni Donita ang topic ng usapan namin at kinalimutan na namin ang tampuhan namin.

Tinanong namin siya kung puwede ba siyang mag-guest kasama si Ruffa sa Magandang Buhay today, pero may taping din daw siya.

Nasa book launch din ni Ruffa si Alice Dixson, kaya binanggit din namin sa aktres na kokontakin siya ng Magandang Buhay para sa episode ni Ruffa, pero hindi rin pala siya puwede dahil may guesting na siya para sa show ni Donita.

‘Yung taping pala ni Donita ay para sa sarili niyang show, kaya nakakatuwa na after niyang ma-depress (according to her friends) dahil sa hiwalayan nila ng non-showbiz husband niyang si Eric Villarama ay mukhang fully-recovered na siya.

Pati pagdating sa career, may bagong nagma-manage na rin kay Donita, si Erickson Raymundo ng Cornerstone, huh!

4 Responses

  1. Tinatangkilik pa rin ng mga bugok ang ganitong klase ng mga palabas.

    Sige lang, ubusin niyo ang mga 13th month pay niyo at mangutang pa kayo para manguna sa takilya ang mga idolo niyo. Magpauto pa kayo! Bwahahahahahahahahahahahahahaha!