KAHIT hindi vocal sina Vice Ganda at Coco Martin, marami pa rin ang nag-i-insist na may epekto sa friendship ng dalawa ang tapatan nila sa Metro Manila Film Festival 2017.

Of course, parehong inaasahan nina Vice at Coco na magna-number one sa nasabing filmfest ang kani-kanilang project.

Pareho namang malakas ang dating ng The Revenger Squad ni Vice at Ang Panday ni Coco, pero marami pa rin ang humuhulang ang pelikula ng It’s Showtime host ang magna-number one sa MMFF 2017!

Actually, dahil nga sa magandang feedback sa The Revenger Squad na pinagbibidahan din nina Daniel Padilla at Pia Wurtzbach, obvious na mas lalong ginaganahan si Vice sa pagpo-promote ng kanilang filmfest entry.

Tama ba ang nakarating sa aming balita na kapag nakalampas na sa P200M ang kita ng pelikula ni Vice ay may malaking percentage na ng kita nito ang mapupunta sa tinaguriang unkabogable box-office star?

Sarah bawal nang sumisid

NAGKAROON ng family Christmas photo shoot sina Richard Gutierrez, Sarah Lahbati at Zion last Sunday. Dahil busy sa La Luna Sangre taping si Richard, si Sarah ang nag-asikaso ng pictorial na ‘yon sa ng Nice Print Photography at kinunan sa Concept Room Studio.

Kuwento ni Richard, malamang na hanggang December 23 ang trabaho niya sa La Luna Sangre at pagkatapos, may Christmas break naman sila.

“On Christmas eve, sa bahay kami, sa White Plains, then for New Year, mag-dive trip kami kasama Dad ni Sarah dahil nandito siya ngayon for the Holidays,” kuwento ni Richard.

Sabi naman ni Sarah, “I’m happy because my family is complete! Bale ‘yung dive trip namin, hanggang New Year na. Babalik kami January 2 dahil magre-resume si Chard ng taping ng La Luna Sangre.

“Of course hindi ako kasama sa magda-dive. Hindi na puwede. Bawal na rin akong sumisid.

Hahaha. Next year na ako magda-dive, kapag nakapanganak na at okey na.

“I will be hanging out with Zion and the family lang. Excited na si Zion dahil mahilig din siya sa beach,” kuwento sa amin ni Sarah kahapon na ka-lunch ang kanyang tatay at nanay na si Abdel at Esther Lahbati.