Vice ‘di sineseryoso ng mga tao

tonite-pak-allan-dionesBilib pala si Ogie Alcasid sa pagiging singer­ ni Vice Ganda.

Isa si Vice sa mga guest sa ‘OA: Ogie Alcasid 30th Anniversary Concert’ dahil sabi sa amin ni Ogie, magaling kumanta ang phenomenal comedian, ito lang ang walang kumpiyansa sa sarili nito.

“Sabi ni Vice, ‘Hindi naman ako sineseryoso ng mga tao, eh!’ Sabi ko sa kanya, ‘Hindi, kakanta ka!’

“Doon naman talaga siya nagsimula eh (sa pagkanta). Kaya lang, nakakatawa siya, eh!” bulalas ni Ogie.

That’s why gusto raw niyang i-highlight sa concert niya ang pagiging singer ni Vice.

Nang mag-guest daw si Ogs before sa ‘GGV’ ay nag-piano siya habang kumakanta ng ‘Kung Mawawala Ka’ tapos ay sinabayan siya ni Vice ng ‘Muling Ibalik (Ang Tamis ng Pag-ibig)’.

Nakyutan daw siya du’n kaya ang gagawin nila ni Vice ay medley ng ‘Kung Mawawala Ka’ at ‘Huwag Ka Lang Mawawala’ na may konting mashup, habang tumutugtog sa piano si Ogie with the ABS-CBN Philharmonic Orchestra.

Ani Ogs, gustong-gusto pala ni Vice na kinakanta ang hit song niyang ‘Huwag Ka Lang Mawawala’.
Talaga? Para kanino raw inaalay ni Vice ang awiting ‘yon?

“Ay, hindi ko alam sa kanya!” pakli ng mister ni Regine Velasquez sabay tawa.

Isa sa mga highlight ng ‘OA’ concert ay ang number ni Ogie kasama ang tatlo niyang anak na sina Sarah, Leila at Nate Alcasid. First time nilang magpe-perform mag-aama in one stage.

Maggigitara siya, tapos ay kakantahin nila ang song na ginawa niya for Leila nu’ng baby pa ito. ‘When I See You Smile’ ang title ng song, na si Leila ang nag-suggest na ‘yon ang awitin nilang apat.

Kumakanta rin pala ang pangalawang anak ni Ogs kay Michelle Van Eimeren na si Sarah. Parang gusto rin daw maging singer nito gaya ng kanyang Ate Leila, pero high school pa si Sarah sa Australia.

Actually, si Leila pala ang late bloomer sa pagiging singer. Si Sarah daw ‘yung maliit pa lang ay member na ng glee club sa school.

Of course, ang 6-anyos na anak nila ni Regine na si Nate ang ‘early bloomer’ dahil paslit pa lang ay sanay na itong mag-guest sa mga concert ng famous parents niya.

Nagre-rehearse pa lang ay nahihirapan na si Ogs sa number nila ng mga anak niya. For sure ay mas magiging emotional siya sa gabing ‘yon sa August 24 sa Araneta Coliseum.

Bela nasaktan sa bagong pelikula

Mas mahigpit ang labanan sa takilya this year sa Pista ng Pelikulang Pilipino dahil mas okey ang entries at mukhang mas pinaghandaan.

Kaya hindi alam ng last year’s box-office champs na sina Bela Padilla at JC Santos kung ang pelikula pa rin nila ang mangunguna sa takilya tulad ng ‘100 Tula Para Kay Stella’.

Wish nina Bela-JC na ganu’n pa rin ang mangyari, pero hindi raw kasi porke hit ang ‘Stella’, ibig sabihin ay kakagatin din ang bago nilang movie na ‘The Day After Valentine’s’ dahil ibang-iba raw ito du’n sa una.

Aminado si Bela na maraming nabigay sa kanya ang ‘Stella’ personally and as an actress. Ang dami raw nilang natamasa ni JC dahil sa pelikula nilang ‘yon.

Pero mas nasaktan daw siya habang ginagawa niya ang role ni Lani sa ‘Valentine’s’ dahil hindi ito explosive gaya ni Stella, puro ito paloob.

Kahit bongga ang onscreen chemistry ng JCBel, tropa lang ang turingan nila dahil para raw silang pinagbiyak na bunga na ang daming mga similarity.

Kaya naman sobra silang komportable sa isa’t isa at hindi sila awkward kahit sa mga intimate scenes.

Pag-amin ng 27-anyos na Viva actress, sa totoong buhay ay hindi pa siya nakakaranas ng Valentine’s Day dahil lagi raw natataon na may trabaho siya. So, baka pang-day after Valentine’s daw talaga siya.

Kahapon nagsimulang ipalabas ang 8 entry ng PPP 2018 sa lahat ng mga sinehan nationwide.