
Ipinangalandakan ni Calvin Abueva sa isang social media post ang larawan ni Salome Alejandra, ang kanyang tunay na asawa at magandang babae at that, huh!
Ang resulta ng photo posting ni Abueva, hear, there and everywhere are masasakit na kuda at hanash ang binabato kay Calvin lalo na nga’t marami talaga ang nanalig na ang kasalukuyang bromosexual relasyon nila ni Queen Bayot Vice Ganda ay bonggang-bongga na ang blossoming at maaring humantong na sa romantic at erotic.
Sa paglantad ni Abueva sa tunay na minumutya, para sa karamihan ng mga supporter ni Ganda ang pagsunod niya at pagsama-sama kay Jose Marie gabi-gabi, ang pagluluto ng adobo para sa kanilang idolo, ang pag-alay ng bulaklak, ang pagtawag sa It’s Showtime, pati na rin ang pagtuturo kay Vice tuwing manonood ito sa hardcourt eh pangmalakasang use me in a sentence lang pala. Yes, para sa mga fanatic ng Queen Bayot, manggagamit lang si Calvin, sila pala dapat ang bida sa Gamitan! Ouch! Aray ko po!
Siyempre, ipinagtanggol ni Abueva ang kanyang sarili, “Alam nyo si vice totoong kaibigan ang aswa asawa talaga wala ako pakealam kung bash nyo ako oh support kayo kame ni vice true friend ang turing ko sa kanya hindi na sya iba sakin.”
Ay, Kaibigan Lang Pala ni Lilet at hindi Bakit Di Totohanin ni Carol Banawa ang kanilang theme song, juice colored!
With this public declaration of Calvin, biglang bang magiging bihira ang kanilang public sightings? Ang mga isang saglit na ubod tagal, kara-karaka, mawawala na? O sadyang hindi magpapalupig ang pag-asa, na para kay Jose Marie, kung ano ang pinagsasaluhan nilang ligaya at tamis ni Calvin, higit pa sa sapat, masaya sa kung ano meron sila?
Wala na nga bang new forever at happily ever after para kay Vice Ganda at Calvin Abueva? Ang Jullie Yap Daza’s Etiquette For Mistresses book, best Christmas gift para sa Queen Bayot? Ano sa pakiwari niyo, dear Abante TONITE readers?