ISA ang diva that you love sa inimbitahan sa intimate chikahan/thanksgiving ni Vice Ganda.

Bukas na aklat ang mga maanghang na opinyon at komento ko tungkol kay Jose Marie.

Walang personalan ‘yun. Trabaho lang.

Pinipitik ko ang Di Kagandahang Bisyo, kasi minsan, hindi kainaman ang kanyang mga hanash at kuda.

Nanghihinayang ako sa kasikatan at impluwensya niya na pwede niyang gamitin for the greater good, especially para sa mga nenita maricones at ponies niyang idolo ang tingin at tu­ring sa kanya.

Kung ano ang nakikita sa “matanda,” iyun ang ginagaya ng mga bata.

Hindi dapat maging bulag, bingi at pipi sa mga kakulangan, kahinaan, kamalditahan at kamalasuduhan ng mga iniidolo at hinahangaan.

Sa press payanig, blooming si Vice. “Babaeng-babae” ang packaging.

Buo ang loob at kumpiyansa. Surprisingly, walang barubal o nagmamagandang mga sagot sa tanong.

Ang pagiging “blooming” ng komed­yante, inamin niyang nagmumula sa kanyang inspirasyon.

Romantically speaking, he is in a happy place at yes oh yes, nagpapasakop siya sa kanyang mahal.

Pag-amin ni Ganda, “Masyado na kasi akong lider-lideran sa bahay at trabaho. Gusto ko, sa mga personal na oras, ayaw ko ng lider-lideran.

“Gusto kong magpasakop sa mga lalaki. Paminsan-minsan, kaila­ngang damahin mo ang kahinaan mo. There is beauty in weakness.

“Hindi naman negative ang effect ng weakness mo. May kagandahan doon, kasi sa mga weaknesses mo ay mas nagiging tao ka.

“At sa weaknesses, pag nakita ‘yun ng taong mahalaga sa iyo at natanggap niya ‘yun, ‘yung weakness na ‘yun, nagi­ging strength.

“Kailangan, pati ‘yun, minamahal niya,” ang very well said niyang paliwanag.

Dahil pagmamahal ang topic, ang mga la­laking minsan ay minahal o naging malapit sa kanya, hindi pwedeng hindi mapag-usapan.

Ang nagpakasal daw nang lihim na si Terrence Romeo, “Ay, wala po akong reaksiyon diyan! Ayokong mag-comment. Huwag nating pag-usapan ‘yan, oo.

“Bigyan natin siya ng kapayapaan. Kasi hangga’t binabanggit natin siya, eh mapapag-usapan at mapag-uusapan. Hindi siya matatahimik. Syempre, ‘di ba?”

Kay Ervic Vijandre na marami ang nanalig na tunay niyang mahal at may chikang kasama niya sa Boracay, “Wala si Ervic sa Boracay kasi nasa Australia siya.

“Magkabardaka kami at kasi, magkasosyo kami sa isang business. Pareho kaming may-shares sa Tipsy Pig.”

Sa dating PBB Housemate na si Axel Torres, “Kasi nga, kung sino ang kasama ng bakla, agad, ‘yun ang jowa mo.

“Kasama ko palagi si Axel. Lumalabas kami. Parang kay Ronnie (Alonte).

“Nu’ng kasama ko palagi si Ronnie, mag-jowa kami. ‘Pag si Axel naman, jowa ko rin.

“Pag nakikita n’yong kasama ko sa labas, hint na ‘yun na hindi ko jowa. Kasi, hindi ko inilalabas ang jowa ko.”

Eh kumusta sila ni mighty and meaty Zanjoe Marudo, sila na ba?

“Ay hindi, pero bet ko siya. Hahahaha! Nila­landi ko lang ‘yun pero hindi ako bet nu’n.

Type ko lang siya,” sagot agad ni Vice.

Si Kiefer Ravena, ang Vienna Sausage monarchy na may linking din sa kanya, ang reaksiyon ni Vice, “Hindi ko alam ang isyu diyan. Matagal ko nang barkada ‘yun.

“Hindi ko siya jowa. Hindi siya ‘yung bet ko. At hindi rin ako bet nu’n.”

Naku, Vice! Ang motto mo ba ay so many men, so little time? Ka­lurks ang kariktan, huh!