Vice Ganda, nasaan ang puso at KALULUWA ng payaso?

Vice Ganda

MAY 2,000 tao ang nag­pauto na naman sa Di Kagandahang Bisyo.

Ipinangalandakan ni aklab ang kanyang kaligayahan. Kasi, ang aklat na siya ang may akda, may bagong record daw, “most number of books sold during launching.”

Sige na nga, give na namin sa iyo ang moment mo.

We just hope na after the 2,000 books sold, may mga bumili pa muli.

Marami ang hindi naniniwala na ikaw talaga ang may akda sa librong ang kiyeme latik ay nagpapaka-witty ka while being political.

Ang pagiging mabenta nito during the launch ay isa lamang patotoo na ang mga panatiko ay so accustomed na with the basura that you ram to their throats.

In their eyes, you do no wrong kahit pa reeking in kababawan at pedestrian humor ang iyong brand of comedy.

Ano kayang “aral” at mga “gabay” sa pang-araw-araw na buhay ang makukuha sa aklat mo?

Will the readers even think, ponder, wonder dahil may wisdom ang mga nakasulat dito?

Kung patawanin at pasayahin sila ang objective nito, hindi rin masama lalo na’t we all know na laughter is the best medicine. Hindi lang ako sure if you are the “best doctor” to tickle the funny bones of all.

Siguro, kung mag-iisip-isip ka lang talaga, mas magagamit mo ang impluwensiya at katanyagan mo to better use.

Na hindi lang pulos kababawan at panandaliang halakhak ang ibibigay mo sa iyong adoring public.

By this time, dapat alam mo na maraming young and little maricones who look up to you and knowing that, mas magiging careful ka in presenting the “imahe” of an aklab.

Dapat tinuldukan mo na ang imahe ng baklang laitera.

Dapat ngayon, kinder at mas nurturing ka na. Dapat sa mga comic sketches mo, hindi ‘yung nilalait mo ang ka-sparring mo or i-down grade ang ka-sparring mo para lang makapagpatawa.

Dapat din, ‘yung mga TV at film projects mo, ‘yung mas enlightened na.

Iyung ipinapakita na ang drama, horrors and triumphs of the pink life na hindi balahura at hindi insensitive.

Hindi ka pa rin ba nagsasawang gawing katatawanan ang iyong sarili? Does it not hurt you when you make a fool of yourself?

Di Kagandahang Bisyo, when you look in the mirror, sino ba ang nakikita mo pa?

‘Yung Vice Ganda na nilikhang maka­bagong payaso ng Star Magic Kingdom o iyung Jose Marie Visceral na may puso at kalu­luwa pa rin?

Kapag wala na ang make up at wig, wala na ang ilaw at mga kamera, masasabi mo bang MASAYA ka talaga?