Vice humingi ng tawad sa mga frontliner

NI: ARCHIE LIAO

Maraming natutunan si Vice Ganda sa nagaganap na pandaigdigang krisis na dala ng COVID-19 pandemic.

Ngayon daw,mas naa-appreciate raw niya ang simpleng pamumuhay.

Mas nakikita rin daw niya ang halaga ng mga simpleng tao . Minsan kasi ay nate-take for granted natin ang kahalagahan sa ating pang-araw araw na pamumuhay.

Aminado rin siyang minsan may mga pagkakataong sa kanyang pakikisalamuha ay napagsusungitan niya ang mga ito tulad na lamang ng mga frontliner na napakalaki ng naiaambag para matugunan ang krisis sa bansa.

“Ngayon na-appreciate natin ang halaga ng mga service crew, grocery staff, kahera at baggers. Patawarin n’yo po kami kung minsan namin kayong napakitaan ng pangit na attitude. Di po namin malilimutan ang kabayanihan nyo. God bless you!!!,” ani Vice.

Para kay Vice,ang mga frontliner ang makabagong bayani ng ating panahon.

Kaya naman sa kanyang sariling kaparaanan,tumutulong din siya in his own little way.