Kahapon ay nag-tweet si Vice Ganda patungkol sa mga hater na tigilan na raw ang pangba-bash sa kapwa.

“Sobrang nakakaawa ‘yung mga haters. Kasi habang hine-hate nyo ung mga tao lalo silang pinagpapala. At habang pinagpapala sila lalo kayong nagagalit. Kaya itigil nyo yang hate nyo sa kanila. May dulot sa inyong malas yan,” tweet ni Vice.

Hinihinala ng mga netizen na may kinalaman sa pangba-bash kay Jacque Gonzaga a.k.a. ‘Ate Girl’ ng It’s Showtime ang tweet ni Vice.

Base na rin sa mga comment ng netizen, dinumog daw ng mga basher si Ate Girl dahil nag-post ito sa Instagram ng larawan nila ng boyfriend nitong nagngangalang Tom.

Para sa mga fan ng JackVice, hindi raw maganda ang ginawa ni Ate Girl dahil nagpapakilig sila sa mga tao sa pamamagitan ng kanilang tambalan ni Vice.

“Alam naman namin na boyfriend mo si Tom na before pa nagka vicejack eh kayo na in real life. Pero sana lang be matured ate girl sa mga pinopost mo. kasi inaaba­ngan ka sa Showtime dahil sa moment nyo ni vice. Kaso wala ka tapos magpost ka ng kasama bf mo. Iba iisipin ng mga fans mo at ngayon nagiging bashers na sila,” ang komento ng isang netizen.

Ang JackVice ang pangalan ng tambalan nina Vice at ate Girl na nagsi­mula ilang buwan na ang nakakaran sa It’s Showtime dahil na rin sa mga taong kinikilig sa kanilang interaction.

Lalo pa ngang naging mainit ang kantyawan dahil may nauna nang ViceRylle team up nina Vice and Karylle.

Ang nakakatuwa, dahil sa JackVice tandem, ang ibang fan ay umaasa kahit katiting na may natitira pa kahit ilang percent na pagkalalaki kay Vice at pwedeng magkatuluyan din daw ang dalawa. Si Karylle nga naman kasi ay may asawa na kaya hindi na pwede.

Sobrang hit ang JackVice tandem na inaabangan na talaga ng mga tao ang kilig moments nila sa show.

Pero dahil nga sa post ni Ate Girl na kasama ang boyfriend, katakot-takot na lait ang inabot niya at pati ang boylet niya ay damay din sa pangba-bash.