Vice-Ion ‘di nakakangawit ang romansa

Vice-Ion ‘di nakakangawit ang romansa

One year na pala ang relasyon nina Vice Ganda at Ion Perez. Ito ang ini-reveal ng Unkabogable Star nang makapanayam siya ng mga press recently.

As we all know ay kailan lang kasi umamin ang dalawa tungkol sa kanilang relasyon at ayon kay Vice, liberating daw at mas masarap kumilos ngayong out in the open na sila.

“It’s liberating, mas masarap kumilos, hindi nakakangawit. Wala kang iniisip, mas nae-enjoy namin ang buhay,” pahayag ni Vice sa video interview na napanood namin.

Ayon pa sa host ng “It’s Showtime”, maging si Ion ay happy raw sa sitwasyon nila ngayon.

“He’s very happy with it. I’m very happy. Kasi dati ‘yun ang iniinda kong sakit eh. Sabi ko ‘ba’t parang hindi naman ako kayang ipagmalaki ng mga lalaking ano, nakakarelasyon ko o minamahal ko?’

“Tapos, sabi ko, ‘yung nararamdaman kong ganu’n dati, bakit ko ipaparamdam kay Ion, na hindi ko siya ma-i-out at hindi ko masabing derektahan at maipakitang…

“Kasi siya ang nauna eh, since siya ‘yung mga nagpo-post sa noon pa eh, sa Instagram. Ako, bihira eh.

“Sabi ko, ‘deserved ni Ion ‘to.’ Kasi mabuti naman siyang tao, bakit ko siya ikahihiya, ‘di ba? Ako nga lang ito, o. Proud na proud siya, ‘di ba? Napakayabang ko naman kung…” pahayag pa ni Vice.

Masaya rin ang TV host na overwhelming din ang support na natatanggap nila mula sa mga tao at well-received ang kanilang relasyon.

Anne sumuporta kina Ruru-Jasmine

Sinuportahan ng mga kapwa-Kapuso stars sina Ruru Madrid at Jasmine Curtis Smith sa red-carpet premiere night ng pelikula nilang “Cara X Jagger” held last Tuesday night sa Cinema 1 ng Mega Mall.

Dumating sina Sanya Lopez, ang magdyowang sina Jak Roberto at Barbie Forteza, Gladys Guevarra, Jerald Napoles, Mikee Quintos among others.

Pero ang pinagpistahan talaga ng press ay ang pagdating ni Bianca Umali na rumored girlfriend ni Ruru. Medyo matagal-tagal na ring nali-link ang dalawa na tigas naman nilang itinatanggi.

Present din ang mga executives ng GMA-7 and of course ang cast ng “Cara X Jagger” sa pangunguna nga nina Ruru at Jasmine with direk Ice Idanan.

About the film, kakaibang kuwento naman ito ng love story na tumatalakay sa pagkakaroon ng hyperthymesia ng female lead character na si Cara played by Jasmine.

Hyperthymesia is a condition which an individual possesses a superior autobiographical memory, meaning he or she can recall the vast majority of personal experiences and events in his or her life.

As always, napakagaling ni Jasmine sa pelikula at talaga namang ibinigay niya ang kanyang 100% in portraying Cara. May mga eksena nga lang na ang payat-payat niya tingnan. In real life ay super-slim naman siya talaga pero sa pelikula ay puwede naman sanang maangguluhan para magandang tingnan sa screen.

Makikita mo rin naman kay Ruru ang kanyang improvement at kitang-kita rin talaga ang effort on his part to give his best.

Aliw kami sa cameo ng kapatid ni Jasmine na si Anne Curtis para suportahan ang first lead role in a mainstream movie ng younger sister.

If you want a different kind of love story, go and watch “Cara X Jagger” na nagsimula nang magbukas sa mga sinehan kahapon, Nov. 6, hatid ng APT Entertainment.

Jeric-Klea lumalalim ang relasyon

Sa latest interview kina Jeric Gonzales at Klea Pineda, inamin ng dalawa na iba talaga ang closeness nila ngayon. Magkasama ang dalawa sa GMA-7’s “Magkaagaw” drama series na ipinalalabas tuwing hapon at ayon sa young actress, excited siyang pumunta sa set knowing na makikita niya ang leading man.

“Isa ‘yun sa factors kung ba’t ako nai-excite mag-taping, na I get to see him every week, everyday,” sey ni Klea sa panayam nila ng “24 Oras”.

Umayon naman si Jeric at aniya, “parang nagiging inspirasyon na namin ang isa’t isa na pumunta sa work. We’re very happy sa ano namin ngayon, kung ano’ng meron kami ngayon, lalo na ako, sobrang happy ako na kasama ko siya palagi sa work.”

When asked kung sila na ba, malakas na tawa lang ang sagot ni Klea.

Hmmm, posible!

Samantala, sa “Magkaagaw” ay ginagampanan nina Klea at Jeric ang papel na mag-asawa kaya naman hindi kataka-takang mas maging close talaga sila.