Vice, Ion gumawa ng ‘Milagro’

Ayon kay Dimples Romana, may hindi siya makakalimutang karanasan sa unang beses niyang pakikipagtrabaho kay Vice Ganda sa pelikulang “The Mall, The Merrier” na kalahok sa 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Nawindang daw kasi siya nang makita niyang umuuga ang tent ng “It’s Showtime” host noong nasa set sila.

Akala raw kasi niya ay lumilindol pero noong panahong iyon ay mulat daw ang kanyang mga mata at gising ang kanyang damdamin.

Giit pa niya sa kanyang testimonya, hindi raw naman siya nagsisinungaling.

Katunayan, nakita pa nga raw niya ang Unkabogable Star na nakasuot ng bathrobe.

Dahil sa kanyang naging pagbubuking, hindi tuloy magkamayaw ang nagkomento na umano’y may ginagawang milagro si Vice at ng kanyang boyfriend sa set.

Sey naman ng kate-katerang netizen, baka raw nagha-hide in seek ang magdyowa sa loob ng tent.

Paliwanag naman ng “GGV” host, ilusyon lang daw ang lahat ni Dimples dahil ang totoo ay madalas lamang siyang magpalit ng costumes. (Archie Liao)