May bagong You Tube vlog si Ion Perez at ito ang isa sa pinagkakaabalahan niya habang naka-quarantine. Sinimulan niya ito last March at 2 videos pa lang ang laman pero humahakot na ito agad ng viewers.

Sa first video na in-upload niya two weeks ago ay ipinakita niyang naglalaba siya ng kanyang underwear.

Ang 2nd video naman niya uploaded just last Wednesday (April 15) ay may titulong “My Jowa Cut My Hair” kung saan ay makikitang ginugupitan siya ng buhok ng dyowa niyang si Vice Ganda.

Kaka-upload pa lang ni Ion ng video ay ninakaw na agad ito ng ibang vlogger at inilagay ito sa kanilang account. Kaya naman nanawagan si Vice Ganda sa kanyang Twitter account.

“Nakakaloka naman ung iba na nagnanakaw nung buong video tapos pinopost sa channel nila na parang content nila!!!!Haaaaaaay!!!! Im asking help from my Little Ponies. Pls report naman yung mga magnanakaw ng content ng channel ni Ion,” tweet ni Vice.

Kaaliw ang video ni Ion dahil habang ginugupitan siya ni Vice Ganda ay panay ang harutan, kulitan at landian nila. Obviously ay magkasama sila sa bahay ng TV host/comedia ngayon habang naka-enhanced community quarantine.

Ang daming kinilig sa mga cheesy lines at kulitan ng dalawa habang naggugupitan. Like nang tanungin ni Vice Ganda si Ion kung ano ang gusto nitong gupit, sagot nito, “simple lang, ‘yung maguguwapuhan pa rin ‘yung mahal ko sa akin” na sinagot ng Unkabogable Star ng “ah, talaga? Hindi ka naman kailangang magpagupit,” sabay-yakap.

Kwela rin yung dialogue ni Vice na “magtiwala po kayo sa akin, sir, ‘wag kayong kabahan. Puso mo nga, ipinagkatiwala mo sa akin, buhok pa ba?”