
Ano nga kaya ang highlights at sidelights sa MMFF Parade lalo na nga’t go for gold ang pag-ulan?
Kumusta naman ang disensyo ng mga float? Naging casualties of the rains ba sila? Bumaha ba sa area kung saan dapat dumaan ang mga floats?
May mga tao pa rin bang sumugod sa daraanan at literal na basang-basang sa ulan, walang pakialam makita lang ang kanilang mga hinahangaan?
Ang mga artistang kasali sa mga kalahok na pelikula, ano kaya ang naging outfits nila, denim o leather jackets? May mga taga-payong ba sila?
Matamlay ba ang parada kasi nga super bed weather?Sa mga bidang artistang babae, mula kay Maine Mendoza, Anne Curtis, Jessy Mendiola at Kim Chiu, sino sa inyong pakiwari ang pinakamaganda ‘pag wet look?
Panalo siguro kung ang magic kamison ang kanilang sinuot sa parada, huh!Eh sa mga bidang lalaki, Coco Martin, Vic Sotto, Richard Gutierrez, Dingdong Dantes, Jericho Rosales, Dennis Trillo at JC de Vera, kung puting sando lamang ang kanilang sinuot ngayong malamig ang panahon, kaninong mga utong kaya ang pinakamabilis tumigas? Kaninong mga braso kaya ang pinakabatak tingnan?
Sa mga artistang lalaking kasali, parang kay Shido Roxas at Ross Pesigan ako may pagkamausisa kung ano ang itsura nila ‘pag basa! Ano nga kaya kung maglaplapan sila sa ibabaw ng karosa para mag-init ang mga giniginaw. Panalo ‘di ba? Hahahaha!Dahil sa buhos ng ulan, hindi ko inaasahan na sina Sir Eddie Garcia, Ms. Gloria Romero at Sir Tony Mabesa na isinama pa sa parada, mahiya naman kayo sa kanila.Eh si Vice, secured kaya ang pagkakadikit sa kanyang wig?
Alam naman nating hair-is-vanishing na si Queen Bayot at dapat, waterproof ang kanyang makeup or else, ‘pag mabilis maghulas ang mga ito dahil sa ulan, baka hindi siya makilala, huh!
Alam naman nating gumaganda si Jose Marie dahil lang sa makeup at makukulay niyang wig. ‘Pag wala ang mga iyon, ay alam niyo na ang masisilayan niyong man in the mirror!
Kung magtutuloy ang pag-ulan hanggang sa unang araw ng MMFF, ano kaya ang magiging apekto nito sa box office dreams ng mga kasali?
Will they reach their targets?
Ano rin kaya ang masasabi nila sa opinyon ng nakakarami na parang kulang sa excitement at hype ang mga films in competition this year?
Sa mga panatiko nina Vice, Coco, Vic at Maine, hindi naman sila Gremlins, hindi sila takot sa ulan kaya susugod pa rin sila sa mga sinehan?
Mas lumalala ang traffic sa Metro and Mega Manila, kasi nga may mga lugar na bumabaha, maengganyo pa kaya ang usual movie suspects na lumabas sa kanilang tahanan?Kung hindi hihinto ang pag-ulan, masasabi ba nating luhaan ang MMFF 2018?