Hindi sinuportahan kundi binatikos ng ibang netizen si Vice Ganda na nagpahayag ng kanyang hinaing sa ABS-CBN shutdown.
“Di lang ang network at ang mga empleyado ang kawawa kundi ang buong bansa at lahat ng Pilipinong napagkaitan ng kailangang kailangang serbisyo sa oras na ito ng pandemya. ANG LUPIT!,” sey ng Kapamilya comedian sa Twitter . Ito’y dahil nag-off air ang TV network alinsunod sa cease-and-desist order ng National Telecommunications Commission.
Pinunto ng ibang netizen ang pagiging anila’y diehard Duterte supporter ng “It’s Showtime” host.
May ilan pang binida ang larawan ni Vice katabi si Pangulong Rodrigo Duterte, at ang pag-guest nina Senador Bong Go at House Speaker Alan Peter Cayetano sa kanyang palabas na “Gandang Gabi Vice.”
Ay, na-share. https://t.co/yYnMEWBFLi pic.twitter.com/ausWtQ2YEr
— Czar Lee Puth 👕 (@Stewart___O) May 6, 2020
Galit sa mga nagrereklamo dati, galit ngayong apektado na. Y I K E S https://t.co/gSimuL6wqN
— Gian (@brogihuy) May 6, 2020
kawawa naman kayo. Pero kahit ganun, DDS pa rin kayo di ba? Lipat kayo ptv para marami kayong time magsamba kay diggy.
— Momshy Harriette (@yuckdds_01) May 5, 2020
YOU SPEAK AND TALK ABOUT INJUSTICES WHEN YOU ARE THE ONE EXPERIENCING IT
Before kasi HINDI mo nararamdaman and hindi mo nakikita.
Tapos SUPPORT lang? ULOL!— #MassTesting #MedikalHindiMilitar (@jhEberLiciOus) May 5, 2020
https://twitter.com/officialfuranko/status/1257651503440883714?s=20 (SDC)