Vice kontra gala sa kaharutan

“Buwisit sa buhay” ang tawag ni Vice Ganda sa mga bashers kaya ang payo niya sa mga naba-bash ay magpakatatag at huwag nang patulan pa.

Sa panahon ngayon na patindi nang patindi ang mga bashers at cybel-bullying, aniya ay hindi na raw ito makokontrol pa.

“Kailangan patatagin ninyo ang sarili ninyo. Hindi natin mako-control ang ibang tao, kung paano sila mag-iisip, kung paano nila bubuksan ang bunganga nila, kung paano sila mag-iisip tungkol sa atin,” ang pahayag niya last Saturday sa isinagawang Facebook Live.

“Don’t even try na kontrolin sila dahil masasaktan ka lang. Pero mako-control mo ang sarili mo kung papatol ka ba sa kanila, kung iyong galit nila babalikan mo ba ng galit o papatayin mo sila sa kabutihan?

“Mako-control mo ba ang sarili mo kung papayagan mo silang mainis ka, kung babasagin mo ba ang sasabihin nila, kung papakinggan mo ba sila,” dagdag pa ng TV host comedian.

“Sa mga bashers, sa mga buwisit sa buhay, hindi na natin mako-control iyan.

“Ang mako-control lang natin iyong kung paano natin sila iiwasan at hindi sila maging bahagi ng magandang buhay nating lahat,” sey pa niya.

Samantala, halata namang nabahala si Vice Ganda sa mga balitang napakarami na ang lumabas noong Sabado, May 16 na unang araw ng pagkaka-lift ng Enhanced Community Quarantine sa iba’t ibang lugar.

Sunod-sunod ang kanyang tweets last Sunday tungkol dito.

“HINDI PA SAFE LUMABAS. MARAMING MAAARING MAKAKUHA, MAHAWA AT MAMATAY. BUHAY NA BUHAY PA ANG COVID-19 PARA PATAYIN TAYONG LAHAT. MANATILI TAYO SA LOOB NG MGA BAHAY UTANG NA LOOB!” unang tweet niya.

“Kung hindi rin naman mahalaga ang pakay mo sa paglabas, kung maaari namang ipagpaliban, kung wala namang kapararakan, kung dala lang naman yan ng kabagutan o kaharutan utang na loob wag ka ng lumabas. Maawa ka sa sarili mo, sa mahahawa mo at sa mga frontliners,” sunod na tweet niya.

Nagbigay rin siya ng payo sa mga nagbalik sa trabaho kahapon.

“Sa mga magbabalik sa trabaho ingatan nyo ang mga sarili ninyo. Please wear ur mask all the time. May God shield you and protect you from the dangers caused by this virus.

“Bago tayo matulog sana maisama natin sating mga dasal ang mga manggagawa na magsisibalik na sa trabaho . Malaking peligro ang haharapin nila sa muling paglabas dahil kumakaway pa din ang bakulaw na Covid-19. Lord, yakapin mo po kaming lahat at iligtas sa kapahamakan. Amen,” tweet pa ni Vice.