Vice, Kris paunahan kay Alden

The saga continues and how? Ang mga open minded at objective na mga supporter ni Alden Richards, masaya at natutuwa na ang Digital Empress, si Kris Aquino, sa Pambansang Bae, bilib sa kisig at husay nito.

Sabi ni Aquino sa isang post, “Gusto ko talaga yung aura nya, his love for family, and the fact that he waited & worked so hard to have what he has now.”

Nasa bucket list niya talaga na makatrabaho si Faulkerson, “if there is 1 project I really want to do – it is a movie of how a single mom who devoted her life to raising her child will cope when her son is now a working adult & asserting his independence. And the son I can picture is @aldenrichards02. #bucketlist.”

Ngayong out in the open na ang wish na ito ni Kris, magka-healthy competition kaya sila ni Vice Ganda kung sino ang mauunang ma­ging kapareha ni Alden? Kaabang-abang, hindi ba naman?
***

Julian dapat ilayo kay Ella

Ano na ngayon ang mangyayari kina Ella Cruz at Donnalyn Bartolome, pasok na pasok na ba silang maging finality the WHO times two?
Ang mga huling pelikula ni Cruz, ang Fan Boy/Fan Girl at Squad Goals, kung saan kapareha niya si Julian Trono, na kasintahan niya pala sa totoong buhay, cry me a Pacific and Atlantic Ocean rin ang pagkaluhaan sa takilya.

‘Yung pag-amin ni Ella na di sinasadya sa Tonight With Boy Abunda, sa tingin niyo ba makakatulong sa pelikulang ‘Cry No Fear’ para umaariba ito sa takilya ngayong katapusan ng linggo?

Kung ang balana, dabarkads at madlang pipol, ayaw mahalin at yakapin ang mga baba­eng the WHO times two, mas mainam sigurong ‘wag na silang mag-artista pa. Bumalik na lang sila sa pag-aaral, magtapos at maging degree holder. Kung may business na naipundar na, iyun na lang ang pagkaabalahan.

Obviously, there is something off about Ella kaya kahit anong reinvention ang gawin sa kanya, walang epek. Nadamay pa tuloy si Julian sa kanyang sad fate.

Sobrang promising pa naman si Trono, dapat maglalayo na siya kay Cruz kahit pa nga nagmamahalan sila dahil ito ang kryptonite ng kanyang karera.

Eh si Donnalyn? Juice colored naman, hanggang ngayon takang-taka ang diva that you love kung bakit may nanalig na pwede siyang maging artista , huh!
***

Jolo tantanan ang tweet kay Jodi

Acting like a real lady with bree­ding at kasosyalan, tikom ang bibig at tila walang gustong ipahayag si Jodi Sta. Maria tungkol sa diumanong paghihiwalay ng deko­lor at puti nila ni Jolo Revilla.

May mga sumusuporta kay Sta. Maria na labis ang hindi maiwasan ang pag-aalala sa aktres dahil nga ‘payat’ ito na parang hindi healthy na pagpapayat at mga mensahe pa ni Revilla sa kanyang social media site ay lalong nagdadag­dag sa kanilang mga agam-agam patungkol sa emosyonal na kalagayan ni Jodi.

Kung anuman ang pinagdadaanan ni Jodi, ipagdasal na lang natin na sapat ang kanyang tibay at lakas ng loob. Hindi natin puwedeng hulaan ang mga dahilan kaya may ganitong pangyayari sa kanila ni Jolo.

Sana rin, si Vice Gov. Revilla, tantanan ang mga tweet niya na parang may pinatutungkulan. It just adds more fuel to the fire.
Kung hindi niya ka­yang manahimik tulad ni Jodi, sa kanya na manggaling ang katotohanan. Adult na rin naman ang mga sumusu­baybay sa pagmamahalan at relasyon nila ni Jodi.

Man up na Jolo and spill the beans and the truth. Alam mo, mas masakit sa babaeng minamahal mo ang mga patalinhaga mo sa iyong social networking site.

Jodi can handle the truth with grace and her dignity intact.