tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio
Magpapaalam na ang 2018 at ilang kembot at kendeng pa, 2019 ay ayan na, pero si Queen Bayot Vice Ganda, kinakarir niya nga ba ang titulong Fake News Queen?
Fake news nga ba ang chikang may dagdag-bawas sa tic­ket prize with mat­ching pa-popcorn pa ang pelikula niyang Fantastica: the Princesses, the Prince and the Perya?
Eh ang patutsada­han nila ni Maine Mendoza sa isang social networking site, fake news rin ba? Inaglahi daw ni Menggay ang pelikula ni Jose Marie kaya ayun, tinarayan niya rin ito?
Kamusta naman ang screen grab na ibi­nahagi ni BJ Lulo-ew sa Facebook na may pa­yanig na ganito, “Ang pelikulang nagigi­pit, sa trolls kumakapit” with matching #resibo #BoycottFantastica, fake news rin ba ito?
 Ang biggest fake news ba sa buhay ni Vice Ganda ay ang kanyang bromosexual relas­yon with Calvin Abueva?
Matapos ilantad ni Abueva ang nagmumurang katotohanan na ang kanyang asawa ay part pa rin of his life’s equation, agad-agad nawala ang landian at lam­bingan nila ni Ganda na “true friend” ang kanyang turing.
Yung “Ako Lang Nagmahal” na kanta ni Aiza Seguerra, likha ni Vincent de Jesus, na ina­wit niya sa pelikula na kunwari ay ina­lay niya sa kanyang ina, si Aling Fe, na binigyang buhay ni Jaclyn Jose, sa kanyang madamdaming pag-awit, si Abueva ba ang nasa kaibuturan at puso niya?
Ang hindi fake news, ang diva that you love, in the spirit of fairness, pinanood ang pelikula kasama si mareng ultra maldita.
Ang verdict ko ay mababasa sa aking Facebook account kaya hindi ko na uulitin. Ang totoo, wala pa kaming dalawampu sa sinehan nu’ng gabing kami ay nanonood, after the filmfest awards night ito.
Ang totoo rin, parang walang script ang pelikula. Ang dating, ayan may camera tayo, maglaro, magpatawa, magpasaya tayo sa brand of humor na nagpasikat sa akin. Hindi naman puwedeng ikaila na ako ang pinakasikat na bakla sa showbizlandia at kahit ano ang ibigay ko sa audiences at Little Ponnies ko, tatanggapin nila, kasi ang gusto lang nila, humalakhak.
Ang totoo pa, hindi na puwedeng ikaila na Vice and his creative are no longer that creative and they have shortchanged their adoring public big time!
Ang mas totoo pa, ginto ang Jack Em Popoy. Kung ano ang kay Vice, alam na nating may pera dun at ‘yun talaga ang gusto niya lagi ‘di ba? Ang tanghaling pinaka­mabenta ang kanyang pelikula sa taunang MMFF. Tigilan na ang kaplastikan na ginagawa ko ito para mapa­saya ang mga tao. Hung­kag at panandaliang kasiyahan, sapat na ba talaga ‘yun?
Kung ang pelikula niya pa rin ang tatanghaling numero uno, fine. Of course, hindi puwede sa akin ang dramang you cannot argue with success. Hindi porke limpak-limpak ang kinita nito, ibig sabihin, fault free siya at tunay na kapuri-puri.
Kung sakaling hindi na at ang pinakama­tinding katunggali ang nanguna, mas lalong bongga. Tama at hinog na ang panahon for him to eat his humble pie.