Vice matiyagang hinintay ng Fil-Foreign Guy

Masaya ang gabi sa Bacoor City nu’ng Biyernes dahil sa pagtatanghal nina Vice Ganda (with his sidekick Lassy at MC), Randy Santiago at Soul Tribe Band. Ito ay para sa birthday show ni Mayor Lani Mercado who turned 50.

Libre ang naturang show at punumpuno ang Revilla Business Park .

May mga nagtatanong kung magkano ang talent fee ni Vice lalo’t alam nilang mataas daw ito kung maningil.

But as we asked some organizers, sinabi nilang super affordable ang TF na ibinigay sa kanila ng magaling na kome­dyante-host. Meron daw palang soft spot sa puso ni Vice ang lugar ng Bacoor. Bukod dito, close din siya sa mga Revilla lalo na kay Mayor Lani at kay Vice Gov. Jolo.

“Hindi naman lahat ay pulos usapin ng pera. Siyempre may love at magandang pakikisama rin,” sey ng kausap namin.

Pero how true ang tsismis na matiyagang naghintay kay Vice Ganda ang isang Fil-foreign guy na nakakasama nito sa mga lakaran at kasiyahan?

Hindi naman kaya siya ‘yung sinasabing ‘private nurse’ daw nito? Siya ‘yung laging nakabantay dahil sa kundisyon ng kanyang kalusugan?

Enzo nag-react sa paglipat ni Ryza

“Sana meron pa,” ang bitin na reaksyon ni Enzo Pineda nang tanungin namin kung ano ang masasabi niya sa paglipat ni Ryza Cenon sa ABS-CBN.

Dati rin kasing Kapuso si Enzo na lumipat sa Kapamilya network. Pareho rin silang produkto ng Starstruck.

Nakatsikahan namin si Enzo sa presscon ng pelikulang Da One That Ghost Away (DOTGA). Iintrigahin pa sana namin siya sa kanyang sinabi pero mabilis ang segue niyang “sana marami pa kaming pagsamahang project dito.” Ito raw ang gusto niyang sabihin.

Hmmm…nagpapalusot ba siya o talagang meron siyang alam na dating kasamahan sa GMA 7 na plano ring lumipat?

Aiko mas pinili ang offer ng ABS -CBN kesa sa GMA

Bukod sa Bagani pro­ject, kasama pala sa na­ging negotiation kay Aiko Melendez ang pagkakaroon ng pagkakataon na maging Star Patroller sa TV Patrol .

‘Yun ang hindi masyadong maunawaan ng mga bashers na nag-aakusa sa kanya ng kung anu-ano. Mas pinili kasi ng aktres ang project ng ABS-CBN kesa sa magandang offer din ng GMA 7.

Wala naman kaming makitang mali sa naging desisyon ni Aiko dahil prerogative niya ang pumili. At sa puntong ito, mas komportable siya sa offer ng ABS-CBN. At sino ba naman ang aayaw na kahit sandali ay maging bahagi ka ng sikat na news program bilang Star Patroller?

Tama rin naman ang tinuran niya na never niyang isinara ang kanyang pinto. Kung meron man in thez future na good project ang kabila, bakit nga naman niya ito hindi tatanggapin.