Vice nadismaya; Claudine dumugo ang puso kay Kris

Ipinagpapasalamat ni Kris Aquino na hindi nakakalimutan ng dating ‘asawa’ na si Vice Ganda ang kanyang bunso na si Bimby. Gumawa raw ito ng paraan na batiin si Bimby nu’ng nakaraang kaarawan nito na hindi nagawa umano ni James Yap.

Ayon sa star ng ‘I Love You, Hater’, wala siyang sama ng loob kay Vice kahit wala silang komunikasyon ngayon. Okay na raw siya kung talikuran ni Vice basta hindi ito nakakalimot kay Bimby.

Aminado si Kris na nagkulang siya sa friendship nila ni Vice. Na-disappoint daw niya ito nu’ng tumanggi siyang mag-guest sa MMFF movie ni Vice last year. Ito ‘yung ‘Gandarrapido: The Revenger Squad’. Umiwas si Kris na maipit sa banggaan nina Vice at Coco.

Anyway, kung hindi sila nag-uusap ni Vice, isang ma­kabagbag-damdaming mensahe naman ang sinulat ni Claudine Barretto sa kanyang Instagram account para kay Kris.

Naglalaman ng pagtatanggol kay Tetay ang mensahe ni Claudine na nagsasabing isang mabu­ting tao at mabait na kaibigan ang una.

Nagpahayag ng pagkadismaya si Claudine sa kawalan ng suporta ng ibang mga kaibigan ni Kris sa kanyang comeback movie na ‘I Love You, Hater’. Hindi raw deserve ng huli lalo’t all-out ang support nito sa mga dating kaibigan nu’ng nangangailangan sila ng tulong.

Dumudugo ang puso ni Claudine para kay Kris. Hindi lang dahil sa friendship, kundi dahil sa sympathy nito.

Nagkasama sina Kris at Claudine sa pelikulang ‘The Etiquette of Mistresses’ na pinagbidahan din nina Iza Calzado, Chynna Crab at Kim Chiu.

Samantala, ikinatuwa naman ng mga kapanalig at supporter ni Kris ang pagtatanggol ni Claudine sa kanilang idol.

Pinuri at pinasalamatan ng mga ito si Claudine. Ayon sa kanila ay makakatulong ito para gumaan ang kalooban ni Kris.