MAS MAHABA ngayon ang Pasko, bungad ni Vice Ganda nang nakausap ito ng media kahapon para i-announce na sa November 30 na ipalalabas ang pelikula niyang The Super Parental Guardians kasama si Coco Martin.
Hindi itinatanggi ni Vice na nalungkot siya sa ‘di pagpasok sa Metro Manila Film Festival ng entry nila ni Coco.
Pero natuwa siya dahil doon niya naramdaman kung gaano kahalaga sa mga manonood ang pelikula niya tuwing Pasko sa pagsisimula ng MMFF.
Pag-uwi niya galing It’s Showtime, binasa niya ang tweets sa hashtag na MMFF2016 at hindi niya napigilang maiyak nang nabasa niya ang mga komento tungkol sa ‘di pagpasok ng pelikula nila ni Coco.
“Ang sarap naman sa pakiramdam na ganu’n ang nabasa ko na halos lahat siguro 99%, puro positibo.
“Du’n ko na-realize na meron pala akong naibahagi na talagang maganda sa pamilyang Pilipino na naaalala at inaabangan nila every year na.
“Du’n ako na-touch na sabi ko may magandang naidulot rin naman pala ‘yung mga pelikula ko,” pahayag ng It’s Showtime host.
Kaya napagdesisyunan nilang ipalabas na ito ng maaga para kahit paano, bahagi pa rin ng Pasko ang kanilang pelikula.
“Kahit ano namang mangyari, ang mahalaga, meron kaming produktong maihahain sa mga manonood.
“Nagkatalo lang sa date, pero ganu’n pa rin buo pa rin ang regalo at matatanggap pa rin at mapapanood ng mga tao ang pelikula namin.”
Ang isa sa panghihinayang niya ay wala gaanong pelikulang pambata na mapapanood sa MMFF, dahil alam daw ng lahat na pambata ang Pasko.
Saad ni Vice, “Nanghinayang lang ako na malaking mawawala sa ngiti sa mukha ng mga bata na hindi nila mapapanood ang pelikula ko sa Pasko.
“Nu’ng nakita ko yung line up, I’m not sure, ha? Pero parang walang pelikulang pambata.
“Mukhang magaganda naman ‘yung mga pelikula, kasi, lahat naman ‘yun, pinaghirapan ng lahat na gumawa ng pelikula.
“Yun nga lang, parang walang pambata.”
Lumabas na sa internet ang trailer ng The Super Parental Guardians at medyo nakulangan kami.
Iba pa rin ang touch ng pagpapatawa ng nasirang si direk Wenn Deramas.
Tingnan na lang natin kung mas masaya ito sa mga nakaraang Vice Ganda movies.
***
Hindi rin maitago ni Coco Martin ang excitement sa pelikula nila ni Vice dahil sa dalawang bagets na alaga niya sa Ang Probinsyano na sina Simon ‘Onyok’ Pineda at Awra Briguela.
Tuwang-tuwa siya dahil magmula nu’ng mag-shoot sila ng The Super Parental Guardians, tungkol na lang sa pelikula ang pinag-uusapan nila sa taping ng Ang Probinsyano.
“Nagseselos na nga ang mga taga-Ang Probinsyano dahil wala silang bukambibig kundi ‘yung pelikula.
“Tuwang-tuwa naman ako dahil ang layo na ng narating ng dalawa. Sabi ko nga, nakakatuwa rin dahil nandiyan din ang suporta sa kanila ni Vice,” masayang kuwento ni Coco.
Nakaramdam din siya ng lungkot nang hindi nakapasok sa MMFF ang pelikula nila, pero positibo silang tatangkilikin pa rin ito kahit maaga nila itong ipalabas.
“Syempre masakit, pero okay lang, Kasi, sabi ko nga,hindi naman natin hawak eh.
“Baka meron silang gustong ibigay talaga sa Pasko. Pero sabi nga namin, pag may nagsara ng pinto, may nagbubukas naman na bintana,” pahayag ng Kapamilya Primetime King.
Tinanong na rin si Coco tungkol sa kanila ni Julia Montes na may kinalaman daw ito sa paglipat ng young actress ng manager, at hindi na ito nag-renew sa Star Magic.
“Hindi naman ako manager nu’n,” mabilis niyang sagot.
Aniya, wala siyang kinalaman sa desisyon ni Julia sa career.
***
Nag-announce na ang Star Cinema sa playdate ng The Super Parental Guardians.
Inaasahan ang Enteng Kabisote 10 and the Abangers ni Vic Sotto na meron na rin itong playdate na maaga rin sa MMFF.
Ipinost ni Pauleen Luna sa Instagram ang poster ng naturang pelikula at ‘Coming Soon’ ang nasa caption nito.
Hindi pa nila makumpirmang sa December 7 na ang showing nito.
Maaring kasabay nito ang Mang Kepweng Returns ni Vhong Navarro, at sa December 14 naman daw ang Mano Po 7 ng Regal Films.
Yes! Meron munang mini-filmfest ng mga pelikulang di ipinasa sa official entries ng MMFF 2016.
Mukhang mas mahaba pa ang showing nito dahil sa pagkakaalam namin, dito lang sa mga sinehan sa Metro Manila exclusive na mapapanood ang walong entries sa buong duration ng MMFF 2016.
Sa probinsya, puwede raw ma-extend ang showing ng mga hindi entry sa MMFF kung malakas pa rin ito sa takilya.
Sana lang wala nang ticket swapping issue na ipapakalat yung TICKET SWAPPING QUEEN
Yun lang.
hahaha