Ang saya ng guesting ni Regine Velasquez-Alcasid sa “Gandang Gabi Vice” nu’ng Sunday night.
Finally ay natuloy na ang matagal na niyang pangarap na makapag-guest sa late night talk show ni Vice Ganda, na ‘yun din daw ang pinaka-wish mula pa nu’ng mag-umpisa ang show.
Aliw ang mga biruan ng dalawa, na mukha pang tikling si Vice ay magkakilala na dahil ginagaya dati ni Vice ang pagkanta ni Regine.
Kiyemeng na-threaten si Vice nang mag-volunteer si Songbird na keri niyang maging substitute host kung gusto nitong magpahinga.
May sariling pa-logo pa si Reg na “GGV” rin, na ang ibig sabihin ay “Gandang Gabi Velasquez”.
Bet na bet namin ‘yung ballad version ni Regine ng theme song ng “Goin’ Bulilit”. Havey na havey ang pag-awit niya sa nasabing kanta, infeyr!
Kuwela rin ‘yung blooper niya ng SOCO, na ang sabi niya ay Scene of the Crime Cooperative imbes na Operative lang.
Earlier that day sa “ASAP Live in Sydney” ay may booboo rin si Songbird. Ang sinabi niyang pamagat ng concert niya sa New Frontier Theater (dating Kia Theatre) sa November ay “Regine at the Theater” sa halip na “Regine at the Movies”.
Tweet ni Reg, mas nakakatawa raw ang part 2 ng “GGV” guesting niya next week, na ka-join na niya ang mister niyang si Ogie Alcasid.
At least ay sumaya at sobrang na-good vibes si Regine pagkatapos niyang mairita sa bastos na basher, na balak niyang gawan ng aksyon para maturuan ito ng leksyon.
Marlo etsapuwera sa bagong MarNella
Kumalat sa social media ang photos ni Janella Salvador na ka-date nito si Marco Gumabao.
May nakita rin kaming videos na si Marco rin ang kasama ni Janella sa gimikan, at lagi ring kasama ni Janella ang kaibigan nitong tomboy.
Ayon sa mga saksi ay madalas mapagkikita si Janella sa restobar sa BGC kung saan naganap ang diumano ay pananakit ni Elmo Magalona sa dalaga nu’ng September 8.
Hirit tuloy ng ilang curious netizens, kung naging traumatic kay Janella ang ginawang pananakit umano ng rumored boyfriend nitong si Elmo, bakit tila kabaligtaran ang naging epekto rito?
Anila, ang taong na-trauma ay iiwasan ang lugar kung saan naganap ang hindi magandang karanasan nito. Pero si Janella raw ay panay pa ang balik sa lugar na ‘yon.
At ang reaksyon ng netizens sa pics nila ni Marco na very cozy sila sa isa’t isa ay parang ang bilis daw naka-move on ni Janella. Magkadikit pa ang dalawa at magka-holding hands.
Kuha raw ang photos na ‘yon after ng guesting ni Janella sa concert ni Marlo Mortel sa Music Museum nu’ng Biyernes.
So, kung may MarNella fans na nabuhayan ng loob dahil sa first live appearance na ‘yon ni Janella sa concert ng dating ka-loveteam, huwag masyadong humopia dahil may bagong MarNella pala na namumuo, as in hindi na Marlo-Janella kundi Marco-Janella!
Ang alam namin, nu’ng sina Elmo at Janella pa ay kabilang sa barkada nila si Marco, na close friend ng stepbrother ni Janella na si Patrick Sugui.
Hindi naman sana ‘rebound’ ni Janella si Marco, at alam din naman siguro ni Marco ang pinapasok nito bilang naging kaibigan din ito ng ElNella.
Malapit nang umalis sina Janella at Elmo pa-Canada kung saan sila may 3-city concert tour with KathNiel.
Balita namin ay inaabangan na sila roon ng ElNella fans, na ewan namin kung paano nila pakikiharapan dahil nu’ng huli silang nagkasama sa ABS-CBN caravan sa Naga ay nag-iwasan ang dalawa at never nagsama sa stage.
Nganga rin kaya ang fans nila sa Canada? O may ‘magic’ na magaganap sa kanilang “One Magical Night” 2018 Tour at magkakabati ang dalawa?
Dapat siguro ay mag-move on na rin si Elmo dahil mukhang may Marco na si Janella! PAK!