Vice niresbakan ni Quiboloy

NI: MILDRED BACUD

Its my turn, ito ang pinamumukha ni Pastor Apollo Quiboloy kay Vice Ganda matapos daw lahat ng panghihiya at pang -iinsulto nito sa kaniya sa It’s Showtime.

Matatandaang ginawang katatawanan ni Vice ang sinabi ni Pastor na siya ang nagpahinto ng lindol sa North Cotabato noong October 31, 2019. Kaya ang challenge niya sa Pastor ay pahintuin din nito ang traffic sa EDSA at ang pagpapalabas ng FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Naglaro naman ang Tadhana at ang bansa na ‘di pinaligtas ng pandemya dulot ng COVID- 19. Sumailalim tayyo sa ECQ o lockdown ang Pilipinas.

Dahil dito huminto ang lahat,nawala ang traffic sa Edsa at huminto ang pagpapalabas ng ‘Ang Probinsyano,’ bukod pa sa pagpapasara sa ABS-CBN sa bisa ng cease and desist order ng National Telecommunications Commission last May 5.

Kaya naman ito ang nakitang dahilan ni Pastor Quiboloy para resbakan ang aniyang panghihiya umano sa kaniya ni Vice.

“Nalulungkot ka, Vice, nalulungkot ka sapagkat hindi mo mapigilang umiyak dahil wala na yung mga programa niyo?,” sey niya sa kanyang online video.

“Alalahanin mo, naghamon ka, hinamon mo ako noon. Ang saya-saya niyo noon. Naghahalakhakan kayo. Meron pang isang kasamahan mo na lalaki, pati ngala-ngala niya, nakita ko sa katatawa, e. Halos mabali ang leeg niya,” lahad ni Pastor.

“Iyan ang sinabi ko sa inyo, ang kayabangan, nakikita ng Diyos ‘yan. Kapag binigyan kayo ng pabor sa buhay, huwag kayong ganoon. O, ngayon, nakita mo na, may Diyos sa langit, tapos nakita mo na Siya ang tumitimbang sa lahat ng mga tao dito sa lupa kung ano ang ginagawa nila. Hustisya ang Diyos, Vice Ganda, hustisya.

“Siguro sa iba, naloloko mo, niloloko mo, pinagtatawanan mo, e, wala naman kinalaman sa Diyos sila. Nakakaligtas ka doon, pero binibilang din ng Diyos ‘yon. Pang-aapi ‘yon. Pagkatapos isinama mo pa ako. Ngayon, napatunayan mo na meron akong Diyos na nagpadala sa akin,”litanya pa ni Quiboloy.

Ngayun daw na wala na ang programa ni Vice pati na ang network,maging ang traffic sa EDSA dapat daw ay masaya ito dahil natupad lahat ang hamon na ginawa niya.

Sarcastic pa niyang sinabi, “O di ba? Ako ang nagso-showtime. Pero tingnan mo, sa kinamalasan na tinanggap mo, hindi ako tumatawa.”

Hirit pa ng pastor, “Ngayon, naniniwala ka na, karma is real. O, bumalik sa ‘yo, di ba, at ngayon, umiiyak ka. O, bakit hindi kayo humahalakhak? Bakit ka umiiyak ngayon at nalulungkot? Tanungin mo ang sarili mo. Yun ang dahilan, Vice, yun ang dahilan para patotohanan lang ng Diyos sa ‘yo, si Pastor Apollo Quiboloy ay hindi pumunta rito sa kanyang sarili lang. Lesson ‘yan. I hope that you learned your lesson.”

May mga netizen naman sumang-ayon sa mga sinabi ni Pastor Quiboloy. ” Tama Pastor, sobra na rin kasi ang kayabangan ni Vice.” Pero may mga netizen na tila hindi natutuwa sa pahayag ni Pastor sa sinapit ni Vice at ng network niya. ” A pastor shouldnt be taking that way. They are to speak lovingly even if when it’s intended to correct somebody that has wronged him.”

May netizen naman na hindi magustuhan ang parehong inasal nina Vice at Pastor Quiboloy. ” Dapat hindi na niya pinatulan.Pareho silang nanlalait. Two human beings, who’s a saint here?”

Bukas naman ang Tonite sa panig ni Vice.